Showbitz

Apoy sa ‘shot’ ni Donnalyn Bartolome sa isang bar kumalat sa table, sinabihang ‘dumb’ ng bartender 

Photo of Donnalyn Bartolome in a bar.

PHOTO: Screengrab from Instagram/@donna

NAWINDANG ang singer at social media personality na si Donnalyn Bartolome matapos magka-mini accident sa isang bar.

Sa isang Instagram post, mapapanood ang video na kung saan ay may umaapoy na inumin ang socmed star nang biglang kumalat ang apoy sa kanyang table.

Dahil sa nangyari, mapapakinggan na sumigaw ang kanyang mga kasama habang siya ay tumakbo papalayo.

Naapula naman kaagad ang apoy at wala namang seryosong nangyari kay Donnalyn, sa mga kasama niya at sa bar.

“Bringing your friend who rarely goes out to a party be like: [random emojis],” Wika pa ng singer sa kanyang post.

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang video ni Donnalyn.

At ang agaw-atensyon ay ang IG user na nagpakilalang bartender at sinabihang “dumb” ang ginawa ng socmed star.

“As a bartender before, I must say this: That’s so dumb,” lahad ng nag-comment na netizen.

Paliwanag pa niya, “Never drink something that is still on fire. You or other people around you could’ve been badly injured.”

“Also, straws on flaming shots are overrated. Provided that the glass is heat proof or a thick glass, just blow the fire out or put a coaster on top then drink it as it should be: A SHOT,” ani pa niya.

May mga nag-reply sa nasabing komento at iba-iba rin ang ipinahayag nilang sentimyento.

Narito ang mga nabasa namin:

“Okay Sir Bartender, pasensya na noh hindi kasi lahat alam yan ano po opo??? [laughing emoji] Dumb agad agad,” pagtatanggol ng isang nag-comment.

Sumang-ayon naman ang isang nag-reply at sinabing, “I agree. But some bars actually serve it on fire, that’s why they give you straws to drink through the flame. I’m not saying I agree with that but just saying.”

RELATED STORIES

Donnalyn Bartolome reaches 9 million subscribers on YouTube

JM De Guzman crush na crush si Donnalyn Bartolome, hirit ng netizens: ‘Lagyan na ng label yarn!’

Donnalyn Bartolome and Ella Cruz play sisters in suspense-thriller

TAGS: accident, bar, Showbiz news, table
Latest Stories
Most Read