Herbert nagpaalala sa mga artistang sasabak sa Eleksyon 2022: Hindi sapat ang kasikatan, dapat…

WALA pang final answer ang actor-politician na si Herbert Bautista tungkol sa pagtakbo niya sa 2022 presidential at national elections.

Ayon sa veteran comedian, ia-announce niya sa publiko ang kanyang magiging desisyon bago ang itinakdang filing of candidacy sa darating na Oktubre.

Sa ginanap na virtual mediacon para sa bago niyang acting project sa TV5, ang sequel ng blockbuster movie niyang “Puto” noong dekada 80 na ipinrodyus ng Viva Films, natanong ang susunod na plano niya sa kanyang political career.

Tumanggi siyang sagutin ito nang diretsahan, “Basta. Malalaman na lang nila. Malayo pa naman yan. Siguro in the next few months malalaman na natin. ‘PUTO’ muna tayo.”

Ano naman ang maipapayo niya sa mga kaibigan niya sa showbiz na  nagbabalak sumabak sa politika sa kauna-unahang pagkakataon? “Just be prepared!”

“I started as a youth leader in Kabataang Barangay. I was 17 that time. I was studying 4th year high school and nag-aartista ako. I have a sitcom, a soap opera, and a live show every Sunday,” pag-alala ng dating mayor ng Quezon City.

“As a youth leader, tuloy-tuloy na siya except when I lost in 1998. Then I finished school and I took up two master’s degrees. I finished them in year 2000. In 2001, I went back as vice mayor. Then years later I finished my term as mayor.

“The entertainment industry teaches you to prepare. Pre-prod, preparation, planning, timing until you give your final product to your client which is the people where they will be entertained, masasayahan sila, maibsan yung kanilang kalungkutan. That’s what I’ve learned from the entertainment industry.

“It’s not enough that you are popular. We need to prepare. It hurts when people say you’ve won because you are a movie star. That’s offensive. Para maiwasan yan, from the beginning, let’s not also offend them by being prepared,” dire-diretsong pahayag ni Herbert.

Samantala, isang patok na karakter nga mula sa hit comedy-fantasy film noong 1987 ang nagbabalik upang ipagpatuloy ang kanyang magical adventures.

Ngayon, makikipagsapalaran na siya kasama ang kanyang anak at iba pang mga karakter sa pagpapatuloy ng kanyang kuwento.

Ngayong Sabado, Hunyo 19, matutunghayan na sa TV5 ang kuwento ni Ivanhoe “Puto” dela Cruz sa TV series sequel na “PUTO”,  hango sa 80’s hit movie na may parehong title.

Si Herbert ay muling gaganap bilang si Ivanhoe “Puto” dela Cruz, isang mabait na mag-aaral na naglalako ng puto na bida sa kuwento ng orihinal na pelikula.

Sa TV series sequel ng TV5, magpapatuloy ang kuwento ni Puto makaraan ang 30 years, kung saan isa na siyang mapagmahal na ama sa kanyang kaisa-isang anak na si Uno, na gagampanan ng promising young actor na si McCoy de Leon.

Sa orihinal na pelikula, si Puto ay isang mag-aaral na mahiyain, walang kumpiyansa sa sarili, laging binubully ng kanyang mga kaklase. Ngayong isa na siyang ama, si Puto ay mas marunong na sa buhay.

Sa kabilang banda, si Uno, bagamat hindi masyadong mahiyain katulad ng kanyang ama, ay hindi rin sikat sa kanyang paaralan dahil sa kanilang kabuhayan. Mayroon din siyang mga pag-aalinlangan lalo na sa pagtanggap sa kanya ng kanyang mga kaklase at mga kaibigan.

Si McCoy, bago gumanap bilang Uno, ay kinilala bilang Most Promising and Hottest Actor sa 3rd Asia Pacific Luminare Awards 2020. Natunghayan din siya sa isang natatanging pagganap sa “Wanted: Ang Serye” ng TV5. Sa kanyang role bilang anak ni Puto, ay ipamamalas niya ang kanyang pagka-kuwela sa nakaaaliw na family-oriented series na ito.

Mas magiging makulay ang buhay ng mag-amang Puto at Uno sa mga kasama nilang mula sa magkabilang mundo ng mga tao at mga duwende. Sina Lassy Marquez, MC Calaquian, at Chad Kinis ng Beks Battalion ay gaganap bilang Mamitas, ang tatlong duwende na sinagip ni Puto sa orihinal na pelikula, na ngayon ay naging mga tao na at tumayong mother figures ni Uno sa kanyang paglaki.

Gaganap din dito sina Rafa Siguion-Reyna bilang professor ni Uno; Andrea Babierra at Bob Jbeili bilang Alex at Elong, mga best friends ni Uno; Carlyn Ocampo bilang si Joy na magiging love interest ni Uno; Andrew Muhlach bilang Nico, ang school bully at magiging karibal ni Uno kay Joy; Caleb Santos at Tj Valderrama bilang sina Troy at Edwen, ang mga good dwendes; Billy Villeta bilang si Itaban, ang bad duwende; at si Giovanni Respal bilang si Markadan, ang lider ng mga bad duwendes.

Natatangi rin ang  throwback at nostalgia moments ng “Puto” TV series sequel na ito, sa pagbabalik ng mga karakter mula sa 80’s hit movie nina Janno Gibbs bilang si Juanito, ang best friend ni Puto;  Gelli de Belen bilang si Mindy na kaklase ni Puto sa high school, na ngayon ay gaganap bilang cook sa school canteen ni Uno; at si Bing Loyzaga bilang si Tere, na isa nang life insurance agent at self-proclaimed plantita.

Tunghayan ang naiibang mahika at katuwaan para sa buong pamilya sa PUTO, kasama sina Puto at Uno tuwing Sabado, 6 p.m., simula ngayong Hunyo 19 sa TV5.

Mayroon ding catch-up airing ang “PUTO” tuwing Linggo, 5 p.m., simula Hunyo 20 sa Sari-Sari Channel, available sa Cignal Channel 3 at SatLite Channel 30. Mapapanood din ang PUTO sa livestream ng TV5 sa Cignal Play app, available for Free para sa iOs at Android users.

Read more...