NANINIWALA ang actress-singer na si Nadine Lustre sa destiny — kung talagang meant to be sa isa’t isa ang dalawang tao kahit na nagkahiwalay pa nang matagal, itatadhana talaga ang muli nilang pagtatagpo.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita ang dalaga tungkol sa ilang detalye ng paghihiwalay nila ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid.
Inamin ni Nadine na “great love” niya ang actor-singer at record producer kaya mas pinili niyang manatili itong kaibigan kahit na nagkahiwalay na sila.
Ayon kay Nadine naganap ang breakup sa pagitan nila ni James matapos ang apat na taong relasyon noong November, 2019, ngunit in-announce nila ito sa publiko noong January, 2020.
Sey ng aktres, nag-usap sila nang masinsinan ni James hinggil sa kanilang paghihiwalay at nagdesisyong manatili na lang muna silang magkaibigan habang pinagtutuunan ang kani-kanilang priorities.
“We just wanted to work on ourselves. I get that people are sad about it but for us, it was a mutual decision.
“He had to take care of his family, focus on his career. I had to focus on my career and take care of my family as well and myself,” ang pahayag ni Nadine sa latest vlog ni Karen Davila.
Hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila ni James at patuloy na nagtutulungan sa kanilang mga career, “There’s no bad blood or anything. No third party. Wala talaga. It was a mutual decision.”
Aniya pa, forever siyang magiging grateful kay James dahil nagsilbi itong matibay na sandalan niya noong down na down siya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
“Naging stand siya for me kasi I was so depressed. I could not eat. I had no appetite. Down talaga ako. Siya talaga ‘yung humawak sa akin and kept me standing,” sabi ng dalaga.
Nabanggit din ni Nadine na si James talaga ang maituturing niyang “great love,” “We learned a lot of things. We grew a lot. We were helping out each other. Hindi siya ‘yung basta-basta na pa-sweet lang.
“Marami akong natutunan sa relationship namin. A lot of me changed because of that, for the better of course. I opened up myself to a lot of new things. Great love talaga siya,” paliwanag pa niya.
Nang tanungin kung magmamahal pa ba siya uli o may posibilidad pa bang makipagrelasyon siya in the near future, “We’ll see. I am sure naman. Kasi love naman, hindi lang naman iyan pang isang tao. Hindi lang siya for an intimate kind of love. It’s for everyone.”