Si John Lloyd Cruz ang unang napabalitang lilipat sa GMA 7 pero naunahan pa siya ng dating ka-loveteam na si Bea Alonzo sa pagpirma ng kontrata sa Kapuso Network.
Kaninang tanghali (Thursday, July 1, 2021) naganap ang contract signing ng dating ABS-CBN star sa GMA na ginanap sa Edsa Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City.
Dinaluhan ito ng mga big boss ng istasyon sa pangunguna ni Annette Gozon-Valdes, ang GMA board director, programming consultant to the chairman/CEO at GMA Films president.
Ngayong hapon humarap naman si Bea sa ilang members ng entertainment media para sa isang virtual presscon kung saan game na game niyang sinagot ang lahat ng tanong sa kanya ng mga reporter.
Kuwento ng award-winning actress, isa sa mga bumati sa paglipat niya sa GMA ay ang kauna-unahan niyang leading man sa pinagbidahan niyang teleserye sa ABS-CBN na si John Lloyd Cruz.
In fairness, matagal nang napabalita na magiging Kapuso na rin si Lloydie pero mas nauna pa ngang pumirma ng exclusive network contract sa kanya si Bea.
“Kanina lang, kausap ko si John Lloyd. Sabi niya, ige-guest daw niya ako sa sitcom niya,” masayang kuwento ng dalaga tungkol sa naging chikahan nila ng aktor.
Ayaw namang magsalita ng aktres kung kailan naman pipirma si John Lloyd ng kontrata sa GMA dahil baka raw kung ano pa ang masabi niya pero aniya, happy siya na nagbalik na uli ang binatang ama sa showbiz.
Samantala, inamin ng premyadong aktres na matagal din niyang pinag-isipan ang kanyang desisyon na lumipat sa GMA and finally nga ay masasabi na nga niya ang mga katagang, “I’m proud to be a Kapuso.”
“It feels so good. I feel very empowered. And, to be honest, I feel like it came at the right time, and it feels good, it feels right.
“And when you have that in your heart, parang ang sarap ng pakiramdam.
“It took us a lot of months. Siyempre, hindi naman lingid sa kaalaman ninyo that this past year has been challenging, not only for us, but for all of us.
“And it gave me a time to think and reflect on the things about my life, what I really want to do. How do I want to move on and what else do I want to do, what else who I want to chase when it comes to my dreams,” pahayag ng bagong Kapuso star.
Aniya pa, “Nu’ng dumating yung offer sa akin, I consider it as a big blessing and so the negotiations began. Parang hindi siya mabigat na type of negotiation.
“It was as if there was a respect for each other’s boundaries. Parang for me, it totally just came naturally, it totally flowed just naturally. And here I am, I am officially a Kapuso,” lahad pa ni Bea na tatapusin muna ang pelikula nila ni Alden Richards bago niya sisimulan ang kanyang primetime teleserye.
Kung sinu-sino ang mga Kapuso stars na makakasama niya sa unang serye niya sa GMA at kung sinu-sino pa nais niyang makatrabaho sa mga gagawin niyang projects sa GMA, that’s another story to tell.