Cindy Miranda nagsalita na sa balitang siya ang dahilan sa hiwalayang Aljur at Kylie

Aljur Abrenica, Kylie Padilla and Robin Padilla

CEBU CITY, Philippines — Maugong ang chika sa social media na si Cindy Miranda ang sinasabing third party sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

May kinikilig at sinasabing bagay nga sina Aljur at Cindy sa promotional photos ng movie nilang dalawa. Pero may mga maaanghang ding akusasyon sa dating beauty queen na pinaparatangang nanira ng isang pamilya.

Itinanggi ito ng dalaga.

“Hindi po ako ang rason ng pahihiwalay ni Aljur at Kylie. I’m not the third party,” wika ni Cindy na kinoronahang Binibining Pilipinas Tourism International noong 2013.

“Magkatrabaho lang po kami ni Aljur at sa totoo lang first time ko lang siyang makakatrabaho sa movie na ‘Nerisa’ under Viva Films,” dagdag pa ni Cindy.

Noong Huwebes ay ibinunyag ni Robin Padilla na hiwalay na nga sina Aljur at ang kanyang anak na si Kylie.

Sinabi pa ni Binoe na umamin si Kylie na may third party.

Sa post ni Cindy ng mga promotional photos ng “Nerisa” sa kanyang Instagram, isang follower ang nag-comment: “Sana pure work lang kayo. Wag ka sana maira ng pamilya.”

Sinagot ito ni Cindy ng, “Yes. Very professional. I’m not the third party, thanks.”

Sinabi pa niya na first time lang niya na makatrabaho si Aljur.

“He’s very professional,” wika niya.

Sa pelikulang “Nerisa”, si Cindy ay love interest ni Aljur.

 

Read more: https://bandera.inquirer.net/287897/cindy-miranda-nagsalita-na-sa-balitang-siya-ang-dahilan-ng-paghihiwalay-nina-aljur-at-kylie#ixzz707Vm3GI7
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Read more...