#SanaAll: Top 5 Oppa ng Tokyo 2020 Olympics

MAGMULA nang manalo ng kauna-unahang gintong medalya si Hidilyn Diaz, marami sa mga kababayan natin ang nagkaroon ng interes na panoorin ang Tokyo 2020 Olympics.

At bukod sa pagsuporta sa ating mga atletang rumirepresenta sa ating bansa, tila nakuha rin ng iba pang mga manlalaro ang atensyon ng madlang pipol.

Narito ang ilan sa mga atletang kinagiliwan, sinubaybayan, at tinilian ng mga netizens. Mga atletang nagmarka at nag-trending sa social media.

Tom Daley

Si Tom ay isang British diver na kamakailan lang ay nagwagi ng gold medal sa men’s synchronized 10-meter platform event.

Nito nga lang ay nag-trending ito matapos makita na cute na cute na naggagantsilyo habang nanonood ng olympic game.

At yes, proud LGBTQ+ member si Tom. Sa katunayan, kasama niya ang partner niyang si Matty Lee sa men’s synchronized 10-meter platform event kung saan sila nakakuha ng gintong medalya.

Ang masasabi lang namin ay… sanaol may masayang love life.

Ran Takahashi

Trending na trending nga sa Twitter ang 19-year old Japanese volleyball player na si Ran.

Sa katunayan, marami ang naging instant fan nito dahil sa angkin nitong kakisigan na talagan namang pasok na pasok bilang oppa.

Bukod pa mga stolen shots nito habang naglalaro, marami ring fancam videos ang binata na kumakalat sa internet.

Sa katunayan, ang Tokyo 2020 Olympics ang kanyang olympic debut at tagumpay rin ito sa pagkamit ng gold medal para sa Japan.

Lee Jung Hoo

Pasok naman ang 22-year old baseball player sa listahan ng mga oppa! Mukha ngang bagay rito ang mga second lead roles kung gagawa ito ng K-Drama dahil sa good boy look nito na madalas na katangian ng mga second lead sa mga K-Drama na madalas nating mapanood.

Si Lee Jung Hoo ay mula sa angkan ng mga manlalaro ng baseball. Sa katunayan, bata pa lang siya ay ipinadala na ito sa Japan upang matutong mag-baseball.

At hindi lang naman sa looks palaban ang binata dahil may malaking chance ito na makapasok sa American MLS league.

Jeong Seung Won

Isa pa sa mga hindi nakatakas sa mga mapanuring netizens ay ang kagwapuhan ni Jeong Seung Won.

Literal na oppa nga ito dahil mula ito sa South Korea.

Miyembro ng Daegu Football Club ang 24-year old na binata.

Luke Gebbie

Hindi naman papahuli ang Pilipinas sa line up dahil pasok na pasok sa banga ang ating representative para men’s 50m freestyle na si Luke.

Bagamat hindi ito nagwagi ng medalya ay hawak naman nito ang national record na 22.57 seconds na nakamtan noong siya’y sumali sa Australian Olympic trials noong June sa Adelaide.

Nakakuha naman ito ng bronze medal sa 50m freestyle noong 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas.

Read more...