Tatay ni Angel tinamaan din ng COVID-19: It’s been a week of feeling helpless…

Angel Locsin at Angelo Colmenares

COVID-19 positive ang 94-years-old na ama ni Angel Locsin kaya nanghihina silang magkakapatid.

Nitong Linggo ng gabi ay sinundo ng ambulansya si Ginoong Angelo Colmenares sa bahay nito sa Quezon City para dalhin sa hospital.

Sa video na ipinost ni Angel sa kanyang Instagram account, maririnig ang boses ng aktres na nagsabing, “Bye daddy. Kuya (driver) ingat kayo ha susunod po kami, susunod po kami.”

Ang caption naman ni Angel sa kanyang video post, “It’s been a week of feeling helpless. Imagine having Covid at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings.

“So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass,” aniya pa.

Nag-post naman ang Ate Ela Colmenares ni Angel na nasa hospital bed na ang daddy nila at natutulog.

“Pagaling ka Daddy, I love You!” ang caption ni Ela sa kuhang larawan ng ama.

Iisa naman ang mensahe ng mga nagpaabot ng suporta sa pamilya ni Angel kabilang na ang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz, patuloy daw nilang ipagdarasal ang paggaling ng daddy ni Angel.

Samantala, four days ago ay nag-post si Angel ng tungkol sa mga may pinagdaraanan ng bawa’t miyembro ng pamilya na ramdam niya ang mga ito.

Aniya, “To those who can’t go & console family & friends fighting their battles alone. I feel you. I wish for you to overcome whatever it is you are going through.

“This crisis has made me realize that the world can work without politicians, businessmen, police, and even without actors like me. But the world can never work without health workers. Again, thank you for all that you do. Sending everyone strength, hope, and love.”

Mula sa BANDERA panalangin din namin ang agarang paggaling ni daddy Angelo Colmenares.

Read more...