Mindoreño nasungkit ang P378M UltraLotto 6/58 jackpot

Moalboal Lotto

Ala eh ka-swerte ga ni kabayan!

Wagi ang isang mananaya sa Oriental Mindoro matapos niyang masungkit ang P378.75. milyong UltraLotto 6/58 jackpot nitong Biyernes.

Sakto niyang natayaan ang winning combination na 20-17-12-29-10-46, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang nag-iisang nanalong mananaya ay bumili ng kanyang ticket sa Calapan City.

Nito lamang Huwebes ng gabi, tinamaan naman ng isang taga-Maynila  ang P16.04 milyong jackpot ng 6/42 Lotto.

Ang maswerteng winning combination ay 38-41-21-28-02-13.

Para sa mga nanalo, maaring kubrahin ang kanilang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City. Dalhin ang nagwaging ticket at dalawang valid ID.

Para sa premyong higit sa P10,000, papatawan ito ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa TRAIN law.

Ang premyo naman na hindi nakuha sa loob ng isang taon ay itinuturing na forfeited, ayon sa PCSO.

Para sa iba pang resulta, bisitahin ang Lotto section ng Bandera.

Read more...