TILA walang pake ang actress-singer na si Toni Gonzaga sa kabila ng kanyang pag-trending sa social media.
Agad na naging maingay ang pangalan ng aktres matapos maglabas ng Shopee, online shopping app, ng teaser patungkol sa kanilang pinakabagong endorser.
Mabilis na nahulaan ng mga netizens na si Toni nga ang laman ng teaser at dito na nagsimulang magpahayag ng saloobin ang mga netizens maging ang pag-boycott nito sa pamamagitan ng pag-delete ng account at pag-uninstall ng naturang app.
Sa kabila nito ay labis pa rin ang pagpapasalamat ni Toni sa lahat ng mga netizens.
“Since yesterday we are trending, today we are grateful for our netizens for the mentions and engagements, they are the reasons why we are here today,” saad niya sa media event kung saan pormal na siyang inanunsyo bilang bagong brand ambassador.
Maski nga raw ang kanyang bunsong kapatid na si Alex Gonzaga ay masaya nang malamang magiging bahagi na siya ng Shopee dahil minsan rin siyang naging endorser nito.
Hanggang ngayon ay mainit pa ring usapin sa social media ang pag-boycott ng netizens sa online shopping app dahil sa pagkuha nito kay Toni.
Maging ang kanilang ina na si Mommy Pinty ay nagpahiwatig ng pagsuporta sa kanyang panganay na anak.
“Oh, give thanks to the Lord, for He is good! For His mercy endures forever. Let the redeemed of the Lord say so, whom He has redeemed from troubles/ from the hand of the enemy,” pag-quote ni Mommy Pinty sa bible verse na Psalm 107:1-2.
“Thank you Lord for another blessing! Proud of you Tin ! Godbless netizens and ka maintenance,” dagdag pa niya.
May ilan naman na nagsasabing huwag raw sana itong i-boycott lalo na at maraming mga sellers at iba pang empleyado na konektado sa Shopee ang maaapektuhan rito.
Ngunit mayroon ring mga sellers ang mismong tumatalikod sa naturang app bilang pagkondena sa pagkuha kay Toni bilang brand ambassador.
Related Chika:
Toni Gonzaga bagong endorser ng online shopping app; netizens na-bad trip, nagbanta
Toni Gonzaga pumirma na sa AMBS 2: I’m so happy to be part of your family!