Maricar Reyes sa kinasangkutang video scandal: ‘I hated everyone who watched, shared, made nasty comments…my life was ruined’

NOONG nakaraang buwan lang naglabas ng saloobin si Maricar Reyes-Poon tungkol sa mapait na karanasan niya noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang showbiz career. Ikinuwento niya ito sa kanyang libro.

Kagabi, Miyerkoles ay in-upload na ang face-to-face interview ni Toni Gonzaga-Soriano kay Maricar sa “Toni Talks” YouTube channel nito.

Bungad ni Toni kapag naririnig niya ang pangalang Maricar Reyes ay naiisip niya kaagad, magaling na aktres, serious, madaling umiyak sa mga ginagampanang karakter nito.

“Actually, oo kung meron akong get, ako ‘yung babaeng mabait na madaling mamatay, gusto laging tragic,” natawang sabi ni Maricar.

Tawa nang tawang ibinahagi ni Toni na sa tuwing bubuksan niya ang TV ay laging nakikita ang aktres na nangingilid ang luha at tuluyan nang iiyak.

Nabanggit na ang dating Star Magic head na si Mr. Johnny Manahan o mas kilala bilang si Mr. M ang nakadiskubre through TV commercials kay Maricar at tinawagan mismo ang agent niya na gusto siyang makilala nang personal.

Overwhelmed nga raw si Maricar that time dahil hindi niya alam kung ano gagawin at binanggit naman ni Toni na napakasuwerte niya dahil tinawagan siya mismo at hindi siya dumaan sa mahabang pila para mag-audition.

At nang magkaharap na raw sina Maricar at Mr. M ay natanong ang huli kung marunong siyang kumanta at kumanta naman daw pero, “In-stop na niya ako sabi niya, you know you can’t sing but you can carry a tune. Wala akong nakilala sa showbiz na ganu’n kaprangka.”

Pinag-workshop na raw kaagad si Maricar at kasabayan niya noon sina Xian Lim at Beauty Gonzales hanggang sa nasama na siya sa “Betty La Fea” ni Bea Alonzo.

Hanggang sa nagkasunod-sunod na ang projects niya sa ABS-CBN, tulad ng “Precious Hearts Romance Bub Brothers” series, “Lover’s In Paris” with KC Concepcion, Zanjoe Marudo and Piolo Pascual.

Technically, 2008 nag-umpisa si Maricar sa showbiz career niya base sa binasang libro ni Toni, “Bale one year ka palang sa showbiz ng 2009, ipinapakilala mo palang ang sarili mo tapos may grabeng nangyari na talagang life changing!”

“Unexpected sobra!” sambit ng aktres.

“2009 was that incident that started in the internet,” say ni Toni na inayunan naman ni Maricar.

“Sabi dito sa libro you were in Subic nagta-triathlon ka,” tanong ni Toni.

“Yes, actually sobra akong top of the world. I had a serye na part ako ng main cast, Lover’s in Paris non nagte-tape na sila hindi pa kami umeere.

“I just came from taping I would straight go to the race, nag race ako tapos maganda ‘yung time ko tapos ang saya-saya. Parang every was looking good biglang hatak (pabalik),” pag-alala ni Maricar.

Kaya raw nalaman ay dahil may tumawag sa kanya, “Friend ko siya from the gym. Nagdyi-gym ako no’n for the triathlon, sabi niya, ‘uy may nakita ako sa tabloid, hindi ko alam kugn totoo. Alam mo ba ‘to?’ Sabi ko, ‘hindi ‘yan, ito talaga kasama ng showbiz.’

“Tapos nu’ng agent ko na ang tumawag, ‘Maricar merong ano… I had to watch it to make sure if it’s you.”

Habang nakahawak sa phone ay iba na ang pakiramdam ng aktres na parang nasa pelikula na may cue music na natatawa pa nitong kuwento kay Toni.

“Parang nag-quiet lahat ng paligid, siguro kasi it’s still in denial? May disbelief?”sambit nito.

Wala raw ibang taong kinakausap noon ang aktres at walang tigil ang cellphone niya sa kakarinig kaya naka-silent na ito habang nagda-drive.

“Siguro there’s a part of me na may hope na baka hindi ito totoo? Baka hindi ako? May ganu’n,” nakatawang sabi ni Maricar kay Toni.

At pagdating ng bahay, “I didn’t see anybody, buti na lang wala akong kasabay sa elevator kasi I live in a building and then ‘yun humiga na lang ako, hindi ako nag-open ng ilaw.”

Tanong ni Toni, “Traumatic ‘yung experience na ‘yun ‘no?”

“I think so! I think siguro sa sobrang hindi kaya ng utak ko dumaan lang.  Actually, I don’t remember when I cried. Siguro ang tagal kung kailan ko iniyak kasi nakapag-work pa ako. Mayroon pa akong taping a day or two after,” nakangiting kuwento ni Maricar.

Ikinagulat ni Toni na nagawa pang mag-taping ng aktres despite what happened, “I was doing Precious Hearts, I was crazy doing Precious Hearts,” diin nito.

Sundot ng host, “Ang hirap no’n ah, wala kang peace!”

“Correct!” saad naman nito.

“Ang hirap when you’re going through something kahit na alam mong you’re at work your mind is not there,” say ni Toni kay Maricar.

Binasa ng host ang nakalagay sa libro na, “I hated everyone who watched, shared made nasty comments, insensitive jokes or had anything to do with the spread of the video. Now, absolutely everything was ruined. I was ruined. My life was ruined.’ You think that’s the end of you?”

“Oo, kasi when I stopped taping, I stopped working, you’re at home, you’re not doing anything, so doon na talaga (pumapasok, naiisip),” say ni Maricar.

Bukod tanging pamilya at kapatid na lalaki ang laging kausap ng aktres ng mga panahong inakalang katapusan na ng lahat sa kanya.

“Doon talaga nag-step ‘up ‘yung kuya ko, panalo talaga siya. ‘Yung kuya was the first person I called nasa CDO (Cagayan de Oro) siya at sabi niya, ‘just wait I’ll fly there.’  Funny sa family ko, we don’t talk about it. Kasi I think hindi namin kaya (lalo na sa magulang).

“Years later naman, may mga nagkukuwento sa akin na my dad tried to fix it pero wala, eh. Hindi mo maagapan when it’s out, it’s out,” kuwento ni Maricar.

At nalaman din ng mga nakabasa ng libro ni Maricar na naisip din pala nito ang mag-suicide.

Ayon sa libro na binasa ni Toni, ‘I thought about suicide, I fantasize how the world would feel sorry for being so mean to me. Suicide would be both my relief and my vengeance.’

“So, nu’ng time na ‘yun na nandoon ako sa house, all these thoughts doon na nag-sink in na totoo ‘to.  There’s no way that you can get practice (for being a doctor), you cannot back what you lose, so parang it’s so unfair,” paliwanag ni Maricar.

Tanong daw ni Maricar base sa librong binasa ni Toni, “Why me?  I am not a bad person, I didn’t do anything bad.”

“Oo, why now?  Ang ganda ng life ko? Career ko nagsisimula? So, ako parang ano ba naman ito?  Kaya nga, that’s why kaya ko naisip ‘yung suicide.  Kasi parang wala na akong way para gumanti for humiliation and most of the shame sa sarili.  Calling shame to others that you done.

“Siyempre naro-romanticize mo but yun nga when I really think about it, went through it nandiyan sa book na diniscribe ko na ‘what and how may family would react?’  Parang mas lalong hindi fair sa kanila,” aniya pa.

Sabi ni Toni, “Nandito rin sa book na habangbuhay dadalhin ng parents mo ‘yung guilt, ano ba ‘yung dapat naming ginawa para ma-stop namin ito. The only time na nawala sa isip mo ‘yung suicide is because you thought about your family what they will go through after it.”

Ano ang ibig sabihin ng Hikikomori, “It’a a Japanese term for a person na parang ayaw na niya sumabay sa society. Usually these people stay in their room, they don’t know light and they closed their curtains.  Gusto ko kasi ‘yung ganu’n na parang makulong sa isang place (na) hindi na ako lalabas.  Parang ‘yun ‘yung alternative ko to suicide.

“Magtatrabaho na lang ako, lilikom ako ng pera from showbiz and mag-e-escape na ako parang the world can forget about me and I will forget about the world, parang ganu’n,” paliwanag niya.

Payo ni Mr. M, mag-double time siya na pagbutihin ang skills niya at ipakita sa tao kung ano ang kaya niyang gawin bagay na ginawa naman ni Maricar dahil ilang buwan lang siyang nawala after the scandal ay balik-trabaho na siya at sunud-sunod na ang ginagawa niya.

At kaya siya nakapag-move on, “Work really helps having having responsibility na alam kong people on the set would be depending on me to show up in a way parang kailangan ko ring buhayin ‘yung sarili ko kasi at that time hindi na ako dependent sa parents ko and I don’t want to be a free loader sa kanila the whole time.”

Bakit nasabi ni Maricar na, “I don’t want to be recognized as Maricar Reyes?”

“I don’t want to be irritated with people pero parang bakit mo ako nakikilala. Of course nakikilala ka you’re on TV but siyempre at that time iba ang nasa isip ko bakit ako kilala.  Pag heartbroken ka ang nakikita mo lang problema mo, eh,” paliwanag nito.

May sinulat pa na, “laughter can hide a heavy heart, but when the laughter ends the grief remains.”

“Ganu’n ako lagi.  On the set you’ve try to be professional pero ‘yun nga pag-uwi ko or anytime I’m reminded that it’s real,” paliwanag pa ng aktres.

Naikuwento pa na kahit anong achievements na ang natatanggap niya at maraming pumupuri sa kanya ay hindi pa rin siya masaya at nasa dibdib pa rin niya ang lahat. “Nothing was holding thr problem,” saad nito.

Say naman ni Toni, “Nothing was healing you. Pag busy ka na when going through pain, ‘di ibibusy ko lang sarili ko it will heal all wounds.”

“E nakailang heal na?  Mukhang okay na lahat bakit ako hindi pa rin okay?” tanong daw ni Maricar sa sarili.

Sa katagalan ay ang co-artist niya sa Cornerstone Entertainment na si Yeng Constantino ang nagsabi kung type niyang i-meet ang mentor niya na puwede niyang i-discuss at nakilala nga ito ni Maricar na ikinagulat niya dahil may sarili rin pala itong struggles sa buhay na naging open sa kanya kahit hind sila magkakilala pa.

“Hindi lang pala ako ‘yung broken, first time akong makaramdam ng hiya. There are also other problems in this world more than your own and I think I needed na parang masyado ka ng naka-focus sa ka negahan mo and you think your problem is the end of the world it’s not!” pahayag pa ni Maricar.

Read more...