Coco Martin’s maindie spirit

The guys is the poster boy for  the maindie phenom: crossing over seamlessly from indie to mainstream superstarhood.

What is more, Coco (Rodel Luis Cortez Nacianceno Martin in real life) is patience personified. His success is a series of mini comebacks, a slow burn to a certified box office hit.

Having gone through the motions of  being  cutesy (via Star Circle batch 9 in 2000) to steaming sassiness (via The  Stud, a now defunct sexy boy band launched in GMA 7 in 2007) to a string of indie greats (in his lead debut independent film “Masahista,”  he was awarded Young Critics Circle Best Actor Award in 2006, eventually earning him the title Prince of Philippine Independent Films), Coco at one time even  shunned the limelight, immigrated to Canada and did various odd jobs for nine months, until he thought of giving showbiz one more shot. This happened via ABS-CBN’s teleseryes where critics and audience alike found him quite a revelation, see-sawing from bad boy role to redeeming himself in the end.

He was rediscovered by the people.

And so we hear of tall tales about him, and yet little is narrativized because the guy simply is shy. But once Coco opens up, his face lights up the room with so much passion… and the world becomes forgiving of his lisp, his lack of height that he makes up for his sheer presence and charm, and that distinct glare of his which is half-vulnerable and half-bewildered
the way believers of feng shui find themselves in.

Coco Martin (Photo by Edd Buenaviaje)

Did you watch the first “Feng Shui” film and what was your reaction?
Opo. Actually doon nag start ang lahat. Ten years ago, nanood ako mag-isa sa bahay ng TV. Noong nag start na, tapos nasabi ko: anong klaseng horror ‘to? Makulay. Kasi pag sinasabi mong horror kadalasang set-up madilim, lumang bahay, malaki. Parang ito nasa ordinaryong subdivision ka.

Pinanood ko siyang mag-isa. Patay pa ‘yung ilaw noong pinanood ko. Kaya nga sabi ko, nakakatakot ‘to, hindi ko kayang panoorin. Ang ginawa ko, binuksan ko ‘yung ilaw. Noong binuksan ko na ang ilaw hindi ko na siya kayang panoorin.

Mag-isa lang kasi ako noon, eh. Kaya pinatay ko na siya (TV). Tapos ilang taon, napanood ko ulit sya tapos na kompleto ko na.

Tapos nagkaroon ako ng chance, noong nag pro-promote kami ni Sarah Geronimo sa “Maybe This Time” sa “The Buzz.” Kinausap ko si Ate Kris (Aquino), kasi nagawa ko na ang action, fantasy, comedy, drama… pero may kulang pa, which is horror. Kinausap ko siya. Sabi ko: Ate Kris, gawan natin ng bago ang Feng Shui kasi ilang taon na nakalipas pero hindi ko siya nakalimutan. Pagkamatay ni Lotlot, tapos yung nangyari sa mga bata. Tapos sabi ni Ate Kris: Sige, try natin yan.

So, the idea of this movie really came from you?
Yes. Tapos tinawagan niya si Direk Chito (Roño).

Baka pwede gawin. Kasi si Direk ayaw na nyang gawan ng Part Two kasi para sa kanya enough na ‘yun. Nasarado na nya ng maganda at isa na sa mga blockbuster movies.

After that, na excite siya (Direk Chito)… parang magandang combination si Coco at Kris. So du’n nag start ‘yun.

Are you expecting an award from this movie?
Sabi ko kasi nanggaling ako sa indie (movies), after nagawa ng pelikula… sana may kahahantungan ito.

Sana ma-appreciate nila. This time, horror movie ‘to, ibang genre ‘to. Kung pagpalain sobrang bonus at thankful na ako.

Pero this time MMFF na kami, hinahangad ko po ang kumita. Honestly, hindi ako naghahangad  na  mag Number One. At least kumita lang, mabawi lang investment namin, happy na ako ‘dun. ‘Yung kompyansa na potential na mag blockbuster at Number One, honestly, pwede po, kasi nakita ko kung gaano kaganda ang proyekto.

Anong ginagawa mo to relax?

Palagi lang po akong nasa bahay. Kasi parang na wi-weirdo sa akin ang mga tao at nagsasabing… Ikaw ba ‘yan? Wala ring na li-link. Siguro mature na ako nung pumasok ako sa stage na ito (showbiz). Lahat ng gimik napuntahan ko na ‘yan.

Napagdaanan ko na yan— umuwi nang lasing, barkada dito, bulakbol dito, cutting classes, galing club. Thirty-three (years old) na ako. Kung tutuusin pwede na akong magpamilya at lumagay sa tahimik.

Can you recount  an experience in your younger days that moved you to strive for success?

Galing ako sa broken family. May one time na naiiyak ako pag naalala ko ang pag-aaral ko… basta pag Tagalog na subjects, ang galing galing ko dyan. Pag Pilipino, at Sibika, naiintindihan ko siya ‘eh. Mga Araling Panlipunan, yakang-yaka ko ‘yan.

Pero pag may Math, English at Science, sabi ko: Patay! Bokya ‘to. Nalulungkot ako, kasi nga  nag-aaral ako sa sarili kong
pamamaraan. Pag-uwi ko, walang tumutulong sa mga assignments ko. Sa English, marami akong hindi alam kung anong ibig sabihin. Di ba normally pag labas ng bahay Tagalog agad ang pag-uusap? Nalulungkot ako… siguro kung andyan ‘yung parents ko, baka malayo ang narating ko. Siguro hindi ako ganito lang. Sa kabilang banda, dahil sa family ko, ganito ako ka pursigido at nagsumikap ako. Natuto akong umarte na walang nagturo sa akin. Natuto akong pumunta ng Makati. Natuto akong mag-drive at bumili ako ng sasakyan ko. Hindi ako nagsisisi… at hindi ko kinahiya ‘yun. Ginawa kong positive…  dahil sa kanila pinilit ko na maging maayos ang family ko at unti-unti ko silang binubuo… Na kung hindi man tayo maayos noon, baka ako yung magiging daan para magkaayos.

Coco Martin (Photo by Edd Buenaviaje)

We heard about  your new house. Tell us about it.

‘Yung disenyo, para siyang compound. Maraming puno dahil mahilig ako sa nature, nakaka-relax. At may isda ako. Sa labas naman ng bahay meron din na tinataniman ko. Meron akong mga  aso—American bully, shih tzu, and poodle.

By the way, have you gotten over  the Bench fashion show controversy?

Sabi ko nga, may mga bagay na nagbibigay sa ‘yo ng aral. Hindi ko siya pinagsisihan kasi may natututunan ako, eh.  Siguro yung pagkakamali ko doon sa sobrang pagod at busy… hindi ko siya natingnan sa malalim na aspeto. Noong napanood ko na siya, doon ko na na-realize na… Oo nga ‘no! Bakit hindi ko naisip yun? Kasi noong nangyari ‘yun, ‘yung inisip ko lang ay ang pagiging  actor or artist at kailangan gawin ko yung role ko. Dapat ako yung master na magtuturo sa mga animals.

Hindi ko nailagay ang sarili ko sa lugar ng mga manonood. Tiningnan ko lang siya sa point of view ng  artist or actor.

Parang stage play na may kanya- kanyang roles. Later ko na na-realize na hindi pala respectful sa mga kababaihan.
Were you able to talk to the female acrobat after the show?

Hindi. Takot ako sa English ‘eh! (laughs) Habang naglalakad kami, nagta tumbling pa siya. Gusto ko pa sanang mag suggest na habaan ‘yung lubid para hindi sya tumatama sa lubid. Baka bumaliktad kami pareho. E, kasi nga English, hindi ko na nakausap.
How do you usually spend the holidays?

’Yun ‘yung time para bumawi ako sa pamilya ko. Kasi kung sa isang taon meron tayong 365 days, parang 340 ang nagta-trabaho ako. Honestly! Hindi sa pag e-exaggerate. Pag Christmas at New Year andun talaga ako.

Do you go to Mass together?

Hindi kami makapagsimba together. Ang nangyayari kasi nakakasira ako ng Misa. Naranasan ko na. Naiiba ang focus ng mga tao, may nagpa-picture, tapos ina-announce pa ng pari. Sa Quiapo pa rin ako nagsisimba, pero pag gabi na, tapos naka shades. Honestly, may point talaga na nagkakasala ka. Kahit madasalin ka, kakalabitin ka talaga. Tao tayo ‘eh. ‘Yun ‘yung nakakalungkot na part…  pag pumupunta ako ng simbahan, nagdarasal ako ng mabilis tapos aalis na agad. Kaya nung tinayo ko ‘yung bahay, I made sure na may prayer room. Doon sila (his family) nagro-Rosary.

What are your projects for 2015?

Sa January may gagawin ako ulit with Star Cinema. Kasi ang “Ikaw Lamang” medyo mahaba ‘eh. Kaya ‘yung gusto ko kahit papano ma miss ako ng mga tao. Gusto kong ma-explore ang mainstream movies. Kasi sabi ko anong ku-kumpleto sa pagkatao ko bilang artista …. Kasi noong nasa indie ako halos lahat nagawa ko na.

Pinakamatapang at daring na pelikula, pinagdaanan ko lahat ‘yan, at hindi ko pinagsisihan kasi dyan ako nahulma.

‘Yung time na tumalon ako sa soap opera, lahat ng magagandang kwento—aksyon, drama at love story. Sumubok rin ako ng musical—‘yung “Idol” with Sarah Geronimo. Kumbaga, ‘yung fulfillment nakuha ko na. Hindi ko naman sinasabi na ayoko na. Ang sinabi ko, halos lahat nagawa ko na. Kaya gusto ko ng bagong challenge. ‘Yung hindi ko pa napapasok e ‘yung mainstream. This year,  after “Feng Shui,” gusto ko pa ng maraming kwento na hindi lang isang genre.
Name an actor that you look up to …
‘Yung idol ko si Eddie Garcia—mapa-action, drama, gay roles, whatever. Kasi sabi ko artista ka ‘eh, ‘yan ang binabayaran sa ‘yo. Kung anong parte mo, ‘yun ka. Ayaw ko bigyan ng limitations ang sarili ko. ‘Yung comedy? Kaya ko rin yan, pero bigyan mo ako ng time para pagaralan siya.

You’re doing a movie with the Superstar Nora Aunor. How is it to work with her?
Patapos na po siya. Siya talaga ang Superstar.

Hindi lang sya ubod ng galing pero sobrang bait din.

Para syang nanay. Para kaming mag-nanay.

Klaro na minamahal niya ang mga ka-trabaho niya. Nagpapaalala siya, nag-aalaga. Kaya pala tinawag sya na Superstar… kasi sa lahat ng bagay, lahat ng qualities na dapat tularan ay  nasa kanya.

Read more...