MATAPANG ang naging reaksyon ng motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador laban sa Kapuso star at comedy genius na si Michael V.
Super hot topic ngayon sa social media pati na ng mga Marites all over the universe ang naging sagot ni Rendon sa ipinost ni Bitoy sa kanyang Facebook at Instagram account tungkol sa mga content creator.
Hindi nagustuhan ni Rendon ang sinabi ni Michael V na, “The first thing any content creator should understand is the meaning of the word: CONTENT.” Kaya naman ni-repost niya sa kanyang Facebook page ang report ng BANDERA tungkol dito.
Ang nakakaloka at shocking niyang caption, “INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.
“Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM,” sabi ni Rendon.
May hirit pa siyang, “Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW.”
Baka Bet Mo: Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors
Habang sinusulat namin ito ay wala pang reaksyon o official statement si Bitoy pero narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa naging pahayag ng kontrobersyal na socmed personality.
“Rendon Labador pag matalino ka gaya ni Bitoy never kang malalaos…at si Bitoy di malalaos dahil he continues to evolve at if ever man malaos dahil sumikat sya in a very positive, motivating and inspirational way…ganern.”
“Rendon Labador kung sa talent mo at ni sir bitoy lang ang pag babasehan nsa talampakan ka lang ni sir bitoy.”
“Rendon Labador sa sobrang talino mo, ang ganda ng market strategy mo, yung no. 1 restaurant na sjnasabi mo NILANGAW,… tapos nalakadaming INVESTORS ang AYAW na mag INVEST sayo.”