FINALLY, nakita na namin upclose and personal ang South Korean superstar na si Lee Seung-gi na isa sa mga favorite naming K-drama actors.
Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay Lee Seung-gi, siya ang lead star sa mga hit Korean series na “Vagabond”, “A Korean Odyssey,” “My Girlfriend is a Gumiho,” “Mouse”, “The King 2 Hearts” at marami pang iba.
Bukod sa pagiging magaling na aktor, isa rin siyang singer-performer sa South Korea na nakagawa na ng napakaraming concerts at ilang album.
Ilan sa kanyang mga chart-breaking songs ay ang “Delete,” “Losing My Mind,” “Will You Marry Me,” at ang kanyang debut single na “Because You’re My Woman,” composed by South Korean singer-songwriter-record producer na si Psy.
Kahapon, isa kami (at ang BANDERA) sa masuswerteng miyembro ng media na naimbitahan sa mini-presscon ng singer-actor para sa kanyang concert na magaganap na ngayong gabi sa New Frontier Theater.
Ang tinutukoy namin ay ang kanyang “The Dreamer’s Dream” Asian concert tour na sa pagkakaalam namin ay talagang susuportahan ng kanyang libu-libong Filipino fans.
Baka Bet Mo: Singson planong karirin ang pagpo-produce ng K-drama; na-inspire nga ba sa tagumpay ng Squid Game?
Dumating sa bansa ang Korean star kasama ang kanyang team sakay ng private jet mula sa Seoul, South Korea. Sinalubong siya ng dating governor na si Chavit Singson.
Kasunod nito, nagkaroon ng ilang minutong question and answer portion kung saan natanong nga si Lee Seung-gi tungkol sa pagbabalik niya sa Pilipinas para mag-concert at makasama muli ang mga Pinoy.
Matatandaang nakabisita rin ang Korean actor at singer sa Ilocos Sur nang dumalaw siya sa balwarte ni Gov. Chavit. Aniya, “I visited Vigan and I found it a beautiful city. Someday we would like to film a series there.”
“I was here for travel the last time and I really liked it. I was surprised that a lot of Filipinos recognized me, and I really enjoyed that moment,” sabi pa ni Lee sa pamamagitan ng interpreter.
Aniya pa patungkol sa pagsalubong sa kanya ni Chavit Singson, “It’s only our second time to meet but we are looking forward to more Philippine projects together.”
Dagdag pang pahayag ng Korean star, “If there’s a chance, I’m keen to maybe release a song in Filipino. I really think if we can create Korean shows in the Philippines, it’s gonna be awesome.”