UMABOT nga kaya sa demandahan ang sigalot sa pagitan ng grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ng TAPE Incorporated na pag-aari ng pamilya Jalosjos?
Mas lalo pang umiinit ngayon ang usapin kung sino nga sa dalawang nag-uumpugang bato ang may karapatang gumamit ng titulong “Eat Bulaga”.
Sa paglayas ng TVJ at ng iba pang original Dabarkads sa bakuran ng TAPE, “Eat Bulaga” pa rin ang ginamit ng producer sa pagpapatuloy ng programa sa GMA 7.
Ngunit ayon sa nasagap naming chika, “Eat Bulaga” pa rin ang gagamiting title nina Tito, Vic & Joey sa paglipat nila sa TV5 dahil sila raw ang nagmamay-ari nito.
Nabanggit ni Tito Sen sa isang panayam na ipaglalaban nila ang titulong “Eat Bulaga” para magamit nila sa TV5 na posibleng magsimula na sa unang linggo ng July.
Baka Bet Mo: Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa ‘Eat Bulaga’ nag-pull out na rin?
Handa rin daw nilang patunayan na si Joey ang nakaisip nito noong 1979 nang minsan silang magsama-sama at magkainan sa kanilang tahanan noon.
May mga chikang kapag hindi pumayag ang TAPE na bitiwan ang “Eat Bulaga” o ang “Dabarkads” ay hindi malayong mauwi ito sa demandahan.
Sa ngayon, “Eat Bulaga” pa rin ang gamit ng TAPE sa pagpapatuloy ng programa sa GMA 7 with its new hosts Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Kahapon, June 7, ibinandera na ng Mediaquest ang pagsasanib-pwersa nila ng TVJ at ng TV5 para sa gagawing programa ng iconic trio matapos ang pagre-resign nila sa TAPE.
Related Chika:
OK lang kay Bossing Vic kung hindi na mabayaran ng TAPE ang P30-M utang sa kanya: ‘Hindi lahat nadadaan sa pera’