LOOKING forward ang Kapuso actress na si Bea Alonzo sa mas marami pang exciting at bonggang bonding moments kasama ang kanyang bagong BFF na si Heart Evangelista.
Nagsisimula pa lang ang magandang friendship sa pagitan ng dalawang aktres na ngayon lang nabigyan ng pagkakataon na maging close kahit halos magkasabay lamang silang nagsimula sa showbiz.
Dati na silang nagkakasama sa mga showbiz events lalo na noong magkasama pa sila sa ABS-CBN pero lately lang sila nagkaroon ng pagkakataon na maging malapit sa isa’t isa.
Ayon kay Bea, nagsimula ang lahat nang magkita at magkasama sila sa reunion ng mga original Star Magic talents kabilang na sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Diether Ocampo at Maja Salvador.
Dito nakasama rin nila ang dating Star Magic head na si Johnny Manahan o Mr. M na itinuturing na nilang pangalawang tatay.
“We just clicked. We were at Mr. M’s house, we were with everyone and then we just clicked. After that, we’re friends,” ang pahayag ni Bea sa YouTube vlog ni Aivee Teo ng Aivee Group.
Baka Bet Mo: Francine lalaban kontra body shaming: Gusto kong magbigay ng awareness lalo na sa haters
Paglalarawan pa niya sa instant friendship nila ni Heart, “Hindi siya naplano, it was really unexpected. It works. I love spending time with her. She’s very relaxed, we share the same interests.”
Samantala, napag-usapan din nila ni Aivee ang pagiging fashion icon ni Heart at kung paano sila nagkakaiba ng style ng wifey ni Sen. Chiz Escudero pagdating sa pananamit.