Ellen Adarna may taong ipinakulam na nanakit sa kanya: ‘Talagang mamamatay siya pero na-realize ko ‘di siya worth it’

Ellen Adarna

Ellen Adarna

KALOKA! Knows n’yo ba na may isang tao palang gustong patayin sa pamamagitan ng kulam ang dating sexy star na si Ellen Adarna?

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Yan ang walang kagatul-gatol na inamin ng misis ni Derek Ramsay nang sumalang siya muli sa isang Q&A session sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Ellen, sa tindi ng naramdaman niyang sakit at galit sa taong hindi niya pinangalanan ay naisip talaga niyang ipakulam ito.

Isang netizen ang nagtanong sa kanya ng, “Kasuway naka dzai na ikaw mismo ang nagpa-spell?” o kapag isinalin sa Tagalog ay, “Naka-try ka na bang ikaw mismo yung nagpakulam?”

Sinagot naman siya ng aktres at celebrity mom ng, “Spell? Oo, Day! Pero not spell to fall in love, spell na mamamatay talaga siya. I was that close.”

Baka Bet Mo: Kuya Kim ibinandera ang 35 dogs, karamihan mga rescued na aspin: The joy they give makes everything worth it!

Pero bago raw gawin ng mangkukulam ang nais niya ay ilang ulit siyang tinanong kung makakaya ba niyang pangatawanan at panindigan habangbuhay ang pang-uusig ng kanyang konsensya.

“But the guy na gagawa na sana ng kulam, asked me if I can live with it my whole life…

“If this person is worth the guilt I would be carrying if talagang ipapapatay ko siya, doon ko na-realize di siya worth it.

“So di ko na lang itinuloy and I don’t think I would ever think of doing such again,” ang paliwanag pa ni Ellen.

Wala namang binanggit na pangalan ang wifey ni Derek kung sino ang tinutukoy niyang mangkukulam at kung sino ang muntik na niyang ipakulam.

Try n’yong hanapin at i-research kung sinu-sino ang mga nakaaway o nakasamaan ng loob ni Ellen noon, baka isa sa kanila ang muntik nang mabiktima ng nakamamatay na kulam.

‘Take-away box’ ni Heart nagkakahalaga ng mahigit P100k, hirit ng netizens: ‘Happy meal but make it sosyal!’

Ruru ginawa ang lahat para mahalin uli ni Bianca: ‘Nu’ng nawala siya sa ‘kin, du’n ko nakita yung worth niya’

Read more...