PINANGARAP palang maging pari ng Kapamilya star at Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual noong teenager siya.
Rebelasyon ng aktor at movie producer, 18 years old pa lang siya ay gusto na niyang maging seminarista. Sa katunayan, nag-attend na siya ng seminar para rito.
“I wanted to be a priest, I was I think, 18, I attended the seminar,” ang pag-amin ni Papa P sa presscon at ceremonial contract signing para sa bago niyang pelikula, ang suspense-horror na “Mallari” mula sa Mentorque Productions na pag-aari ni John Bryan Diamante.
Kuwento pa ng premyadong aktor, “I remember, I had a conversation with a priest and I told him, gusto ko sanang magpari na lang para mas madali ang buhay. And then he said, ‘you have to be a college graduate first.”
Dagdag na pahayag pa ni Piolo, noong maging Christian naman siya ay nais naman niyang maging pastor.
“I told my Pastor the same thing, ‘Pwede bang magpastor na lang ako para mas madali rin ang buhay.’ Sabi niya, ‘no, we need people like you in the business,’” ang sagot daw sa kanya ng kausap na pastor.
Pero feeling nga ni Papa P hindi para sa kanya ang priesthood kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang pag-aartista at ngayon ay nagpo-produce na rin siya.
Sa naturang mediacon, inamin ni Piolo na kakaibang challenge na naman ang haharapin niya sa pagganap bilang si Fr. Severino Mallari, ang paring naging serial killer noong 1840 at pumatay ng 57 katao sa Pampanga.
Ito ang kauna-unahang pagsasapelikula sa buhay ni Fr. Mallari at ito rin ang unang pagkakataon na gaganap na serial killer si Piolo.
Tatlong karakter din ang gagampanan niya sa pelikula kaya triple rin ang gagawing pagpapahirap sa kanya ng produksyon sa pangunguna ng kanilang direktor na si Derick Cabrido.
Samantala, natanong din si Piolo kung bakit nabago na ang desisyon niyang mag-quit muna sa pag-arte at mag-focus na lang sa pagiging producer.
Sinabi niya sa isang panayam na hindi na siya tatanggap ng teleserye pero ginawa naman niya ang “Flower of Evil” at katatapos lang ng pinagbidahan niyang musical play na “Ibarra.”
Natawang sagot ni Papa P, “Actually bukas may pitching ako ng soap, so magso-soap pa ako!