Aiko Melendez ibinandera ang pag-graduate sa kolehiyo: If you can dream it, you can make it

“GOOD AM! BIG DAY TODAY! Thank you Lord! Finally,” ito ang post ni Konsehala Aiko Melendez kaninang 6AM sa kanyang Facebook page.

Tinanong namin siya bandang 10AM na kung ano ang good news at ipinadala niya sa amin ang mga larawang naka-toga siya.

At ilang minuto ang nakalipas ng aming pag-uusap ay ibinandera na niya sa kanyang FB ang mga larawang graduate na siya ng kursong Bachelor of Arts major in Communication Arts at hawak ang diploma kasama ang mga anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain at siyempre present ang very supportive mom nitong si Mommy Elsie Castaneda at kapatid nitong si Angelo Castaneda na siya ring Chief of Staff niya.

Marami ang hindi nakakaalam na tahimik na pumapasok ni Konsi Aiko ang kanyang pag-aaral sa Philippine Womens University at hindi naman kasi siya nagpo-post tungkol dito.

Mas pinopost niya ang mga nagagawa niyang projects para sa constituents niya bilang Konsehala ng 5th District ng Quezon City.

Nagkuwento si Aiko kung bakit ngayon lang siya nagtapos ng kolehiyo sa edad na 47.

“Mukhang madali ang lahat pero sa totoo lang naiisip ko ngayon paano ko napag sabay sabay lahat? Paano nga ba? Kasi natuto akong pahalagahan ang mga bagay na dapat nuon ko pa nabigyan ng pansin pero bakit nga ba ngayon lang? Kasi inuna ko muna tuparin ang mga Pangarap ko para sa pamilya ko. Ang mabigyan sila ng kumportableng buhay.

“Ngayon na maayos at meron silang simple at di kumplikadong buhay pangarap ko naman ang tinupad ko ang makatapos ng pag aaral. Bukod sa pagiging artista ako po ay nanay ng dalawang bata na maayos din ang pagpapalaki ko at ng nanay ko.

“Ako din ay isang Public servant na wala ding oras halos sa sarili ko kung matatawag pero kinaya ko dahil ginusto ko. Dahil ayaw ko dumating ang araw na balikan ako ng mga anak ko na bakit ginagapang ko ang pag aaral nila sa magandang eskwelahan ako ay di tapos.

Baka Bet Mo: Aiko Melendez proud na proud sa anak na nagtapos ng law sa Oxford: We have a future lawyer in the family!

“Ngayon eto na po… Legit na to. Pinaghirapan, pinagpuyatan at madami ding Proyekto bilang artista ang natanggihan namen ni mader Ogie Diaz ngayon handa na ako muli sumabak sa pag-aarte bago po ako mag masteral muli at mag aral!

“Salamat din sa aking nanay na halos maluha kanina sa tuwa dahil pangarap nila ng Daddy Dan Castaneda na makatapos ako eto na mama Elsie Castaneda kumpleto na ang blankong frame sa bahay ng diploma ko malalagyan mo na mama !

“Sa aking partner Jay Khonghun salamat kasi minsan nawawalan ako ng oras syo tapos nasusunigitan kita tapos ang ending ikaw pinapag practisan ko sa mga term papers at thesis ko thank you baby!

“Andre Yllana Marthena Jickain this is it!!! Mama made it again. As I always promised you both I will continue to make you proud!

“Sa mga ka distrito 5 para din sa inyong lahat ito. Gusto ko mapagmalaki nyo ako hindi lang sa mabuting puso na meron ako kundi sa pagpupursige ko sa buhay!

“ Sa Philippine Womens University Salamat sa lahat ng aking mababait na profs dahil talagang di po kayo sumuko sa pag alalay sa akin po! Salamat po! This is Aiko Melendez officially! Graduate na po ako… ayan sa mga bashers ko ahhh hindi nyo nalang masasabi na artista lang ako kahit pa napakarangal na trabaho ito dahil ngayon ito ang patunay na ang Edukasyon walang pinipiling edad basta matuto ka lang alamin ang gusto mo (emoji heart).”

Dagdag pa, “If you can dream it, you can make it so. So to all the dreamers like me never stop! No matter what I’ve done, I have learned from my mistakes. Good times and bad times to come, I will still accept them. After all these years of waiting, finally, Graduate na po ako. Cheers! Philippine Women’s University Class 2023! Thank you to all my Profs and to everyone else who made this possible! Now M.A. next.

Congratulations too to all my classmates.”

Maligayang Pagtatapos, Konsi Aiko Melendez!

Related Chika:
Aiko Melendez ayaw makatrabaho si Jomari Yllana: ‘Hindi pa kasi kami OK’

Aiko Melendez, Julian Trono nag-TikTok sa session hall, netizens napataas ang kilay

Read more...