MATAPANG na inamin ng premyadong direktor na si Jason Paul Laxamana sa publiko na meron siyang autism spectrum disorder.
Napag-alaman ni Direk JP ang tungkol dito nang kumpirmahin sa kanya ng doktor at ng isang psychiatrist na meron siyang tinatawag na Asperger’s Syndrome.
Base sa paliwanag ng healthdirect.gov.au, ang Asperger’s Syndrome at isang “high-functioning form of autism spectrum disorder, are considered to have good cognitive and language skills. However, they still experience difficulties with communication and social interaction, and show repetitive behaviours.”
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Facebook account, ibinalita ng direktor ang tungkol sa kanyang health condition.
“Yesterday, I got diagnosis that I am on the autism spectrum. I have Asperger’s Syndrome,” ang simulang pagbabahagi ni Direk Jason.
Inamin niyang naipaiyak siya nang malaman ang tungkol sa kanyang kondisyon at pagkatapos ng pakikipag-usap niya sa kanyang psychiatrist.
“I cried after my session with the psychiatrist, not because I am sad, but because I am relieved to finally know how I’m built as a human being…
“And relieved to finally understand my experiences in life for the past decades, especially those times I suffered mentally and felt like an odd entity in society,” sabi pa ng filmmaker.
Aniya pa, ngayong alam na niya kung ano ang kanyang pinagdaraanan, pwede na siyang mag-focus sa mga mahahalagang bagay na kailangan niyang gawin at maiwasan ang mga sitwasyong makakapagpalala sa kanyang kondisyon.
“Now I can finally take care of my special needs, assert and demand them as much as possible, and avoid situations that do not serve my best interest. #ASD #autism #aspergers,” pahayag pa ni Direk JP.
Bumuhos naman ang mga positive at inspiring message para sa direktor mula sa kanyang mga socmed followers at mga kaibigan sa showbiz.
Una na nga riyan ang aktres na si Bela Padilla na bumida sa ilang pelikula ni Direk JP tulad ng “The Day After Valentine’s” (2018) at “100 Tula Para Kay Stella” (2017).
“(Three folded hands emoji) this Stella is very proud of you!” ang mensahe ni Bela para sa kaibigang director.
Nagpadala rin ng mensahe ang aktres at dating beauty queen na si Kylie Verzosa na naidirek ni JP sa pelikulang “Baby Boy, Baby Girl,” “Sending my love and so proud of all your accomplishments direk.”
“You’re still the same amazing person either way,” ang sey naman ng hunk actor na si Luis Hontiveros.
Ang iba pang pelikulang idinirek ni JP ay ang “Just a Stranger,” at “Between Maybes.”