Estudyante na 18 years nag-aral sa UP graduate na!

Helweena Sadorra during her graduation.

PHOTO: Screengrab from Facebook/Inquirer.net

MAKALIPAS ang 18 years, sa wakas ay nagtapos na sa pag-aaral ang isang estudyante ng University of the Philippines (UP).

Siya si Helweena Sadorra o mas kilala bilang Wena o Ate Wena.

Taong 2001 siya nag-umpisang nag-aral sa UP at kinuha ang kursong BA Philippines Studies.

Pero bakit nga ba ganun katagal ang inabot ni Wena upang maka-graduate?

Kwento ng newly graduate sa panayam ng INQUIRER, naging abala rin kasi siya na makahanap ng pagkakakitaan para sa kanyang pag-aaral lalo na’t hindi siya sinuportahan ng kanyang mga magulang.

“Naging matagal ‘yung pagkuha ko or ‘yung pagtanggap ko ng degree kasi sobrang marami akong ginawa sa buhay,” sey ni Wena.

Chika pa niya, “I started talaga studying in UP without support from my family. So I had to really look for ways para maka-survive sa UP. I had to look for work inside the university and sometimes mayroon din mga offer sa labas.”

Bukod daw diyan ay tila nagkakaroon ng mga distraction sa kanyang pag-aaral kaya madalas maudlot na matapos ang kanyang pag-aaral.

“Along the way, parang marami kang gustong gawin para sa bansa, para sa kapwa, para sa Diyos. So lahat ng ‘yun nag-culminate na siya or naipon siya na in a way nakakaagaw siya ng atensyon doon sa studying,” sambit niya.

Paliwanag pa niya, “So everytime nasa crunch time na, papunta ng dulo, ‘yung magsa-submit na ng grades, magsa-submit na ng final requirements, lagi akong bumibitaw in the past years.”

Dagdag pa niya, “Tapos kaya 18 years kasi labas pasok ako ng school. So akala ng iba parang bumagsak ba ako. Wala akong failing grades, pero all throughout the 18 years there were times I was in residency.”

Nitong taon daw ay sinikap na niya talagang tapusin ang kanyang kurso dahil ito na raw ang ibinigay sa kanya na huling pagkakataon upang makapag-aral sa UP.

“This 2022-2023 na binigay sakin was my last chance. So kung hindi ko talaga siya natapos, I wouldn’t be allowed to get my diploma anymore or to re-enroll,” ani ni Wena.

Kwento pa niya, “So I really pushed myself na tapusin na siya kasi otherwise goodbye na talaga sa diploma sa UP.”

Aminado si Wena na hindi naging madali ang kanyang journey sa unibersidad, pero ang kanyang pangarap na makapagturo ang nagtulak sa kanya upang lalong magsikap.

Saad niya, “My passion is to teach. Tapos I also believe that God really gave me rin a lot of opportunities, yung skills and all na sobrang in line with teaching. And if that’s my calling, ang hirap sa profession na wala kang diploma.”

“‘Yun ‘yung nagbigay talaga ng biggest motivation sa akin na tapusin siya. Balikan at tapusin,” aniya pa ng graduate.

Ngayong nakuha na nga ni Wena ang kanyang diploma after 18 years, ano na nga ba ang susunod niyang plano sa buhay?

Sey niya, “Gusto ko na mag-asawa. 40 years old na ako.”

“Pero aside from having a family, siyempre career,” pahabol na sabi niya.

Paliwanag niya, “Kailangan natin na magamit naman ‘yung diploma natin. ‘Yung vision ko talaga for myself is not just to teach freelance, ‘yung mga tutorials I guess sa informal setting but I really wanted to teach also in the formal set-up.”

“I really honor God with my diploma kasi He was the one who really brought me through all these challenges, so I give it back to Him,” tugon pa ni Wena.

Ani pa niya, “At the same time, this Sablay is para sa Filipino. Ang Up kasi pinag-aral ka ng bayan so ibabalik ko rin siya sa bayan.”

RELATED STORIES

2 anak ng janitor parehong grumaduate ng Cum Laude sa Ateneo

Student shows how she shared graduation pictorial moment with late parents

Topnotcher, Roy Christian Oro of CIT-U: Always aim for the top spot

Read more...