SA HALIP na magpakumbaba at mag-isyu ng public apology, mas tumapang pa ang drag queen na si Pura Luka Vega sa pagsagot sa mga tumutuligsa sa kanya.
Hindi nagpasindak si Pura Luka sa sunud-sunod na pagdedeklara ng persona non grata laban sa kanya ng iba’t ibang lugar sa Pilipinas dahil sa umano’y pambabastos niya sa imahe ng Panginoong Hesukristo pati na sa kantang “Ama Namin.”
Upang ibandera ang kanyang nararamdaman sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya sa panggagaya kay Jesus Christ, sa isang performance niya na nag-viral sa social media, inulit pa niya ang naturang production number sa isang venue na matatagpuan umano sa Makati City.
Sa kumalat na video na in-upload ng isang netizen (@femcelgender) sa X (dating Twitter) last Sunday, makikita ang dating “Drag Den Philippines” Season 1 contestant, na humahataw sa pag-lip-sync sa kanta ni Taylor Swift na “Look What You Made Me Do”.
Ginagawa ito ni Pura o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay, habang hawak ang litrato niyang naka-frame suot ang kanyang Black Nazarene costume.
Bukod dito, isa pang video ang pinagpipiyestahan ngayon sa socmed na ipinost ng isang @kallandian sa X. Dito mapapanood naman si Pura Luka na humahataw habang may hawak na bote ng vodka.
Maririnig sa video ang sigawan at palakpakan ng audience na tuwang-tuwa sa kanyang ginagawa. Kasunod nito, nag-dialogue nga si Pura Luka ng, “Ito lang masasabi ko — simplehan lang natin ha — lahat tayo makasalanan. Hindi tayo perpekto.
“Gayunpaman, do unto others as you would have them do unto you. Okay? Do not do to others what you do not want others to do unto you. Golden rule lang po ‘yun,” chika ni Pura Luka.
Hirit pa ng drag queen, “Para sa mga ibang lugar na gustong mag-persona non grata diyan, dagdagan niyo pa! Pakealam ko. Separation ng church at ng state dapat. ‘Yun lang po. Thank you po!”
Ilan sa mga lugar sa Pilipinas na hindi na pwedeng puntahan ni Pura Luka dahil sa pagpapataw sa kanya ng persona non grata ay ang Mandaue City; Cebu City; Floridablanca, Pampanga; General Santos City; Toboso, Negros Occidental; Bukidnon; Dinagat Islands; Manila; Nueva Ecija; Laguna; Occidental Mindoro; Coron, Palawan; at South Cotabato.
Sinampahan na rin siya ng kaso ng Christian churches under the Philippines for Jesus Movement (PJM), na may kaugnayan sa “violation of Article 201 of the Revised Penal Code and in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012.”
RELATED STORIES
Pura Luka Vega declared ‘persona non grata’ in GenSan after ‘Ama Namin’ drag performance
Pura Luka Vega is also persona non grata in Mandaue
Pura Luka Vega repeats performance amid lawsuit, ‘persona non grata’ tag
Pura Luka Vega is also persona non grata in Mandaue
What does persona non grata mean?