Blooper ni Catriona sa Bb. Pilipinas 2021 pageant trending; pati si Miss Venezuela ‘nadamay’

By: Ervin Santiago - Bandera | July 12,2021 - 01:04 PM

GINAWANG katatawanan ng mga netizens ang isang eksena ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa ginanap na Binibining Pilipinas 2021 grand coronation night kagabi.

Talagang trending sa social media ang beauty queen habang ginaganap ang live telecast ng pageant dahil sa blooper niya bilang host ng event.

Nakasama ni Catriona bilang host ng pageant si Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves na idinaos nang live sa Araneta Coliseum.

Mabilis na kumalat sa social media ang “sablay” ni Catriona na nangyari habang ina-announce niya ang Top 13 semi-finalists sa 2021 Binibining Pilipinas.

Isa nga sa mga nakapasok sa Top 13 ay si Meiji Cruz na mula sa Valenzuela City. Sa halip kasi na Valenzuela ang tawagin ni Catriona ay ang bansang Venezuela ang kanyang nasabi.

Kanya-kanyang post na sa Twitter at Facebook ang mga netizens na nakarinig sa pagkakamali ng girlfriend ni Sam Milby kaya habang ginaganap ang pageant ay naging trending topic sa Twitter Philippines ang kga salitang “Venezuela” at “Catriona.”

Comment ng mga netizens, buti raw nakahabol si “Miss Venezuela” sa live airing ng national pageant at hindi nahirapang pumasok sa bansa sa kabila ng ipinatutupad na istriktong health protocols ng pamahalaan.

Naging top trending topic naman sa Twitter ang hashtag na #BinibiningPilipinas2021 patunay na marami talaga ang nag-abang sa pagrampa ng mga napiling kandidata sa taunang pageant.

Ngunit sa kabila ng ilang bloopers ni Catriona, pinuri pa rin siya nang bonggang-bongga ng madlang pipol dahil sa kanyang pagho-host.

May ilan pa ngang nagkumpara sa kanya kay Miss Universe 2012 Olivia Culpo na isa sa naging host ng Miss Universe 2020.

Kung matatandaan, naging hot topic din si Olivia sa social media nang mag-trend ang kanyang pangalan sa Twitter dahil sa style ng pagho-host nito na walang masyadong energy at parang lutang habang binabasa ang kanyang spiels.

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.
Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: Bb. Pilipinas 2021, blooper, Catriona Gray, coronation night

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.