Sarah hahataw sa GMA 7 pero Kapamilya pa rin; 3 Thai idol pampa-good vibes sa ‘Kilig-Saya Express’

EXCITED na ang ilang Popsters na mapanood ang kanilang idol na si Sarah Geronimo sa GMA 7.

After 17 years, muling hahataw ang Popstar Royalty sa Kapuso network dahil dito nga mapapanood ang TV premiere ng kanyang “Tala, The Film Concert” na ipinalabas sa ktx.ph, ang streaming site ng ABS-CBN nito lang nagdaang March 27.

Sa darating na Linggo, July 18, ito mapapanood, 4:35 p.m., sa GMA 7, kaya naman ngayon pa lang ay excited na ang mga tagasuporta ng singer-actress.

Sa mga hindi pa nakakaalam, naging bahagi rin noon si Sarah ng  Sunday musical show ng GMA na “SOP” mula 2003 hanggang 2004. Noong taon ding iyon ay iniwan ng singer-actress ang Kapuso network nang pumirma siya ng exclusive contract sa ABS-CBN at mula noon ay nanatiling Kapamilya si Sarah.

Nang ipalabas ang teaser ng “Tala” concert ng singer-actress sa GMA ay maraming nag-akala na lilipat na rin siya sa Kapuso station matapos nga ang ginawang pag-ober da bakod ni Bea Alonzo.

Pero nauna na ngang nilinaw ng Viva Entertainment big boss na si Vic del Rosario, Jr., na hindi pa tapos ang exclusive contract ni Sarah sa ABS-CBN, kaya mananatili pa ring Kapamilya ang misis ni Matteo Guidicelli.

Sa katunayan, sa isang video na ipinalabas sa “ASAP” last Sunday ay nagsalita pa si Sarah tungkol sa ABS-CBN, “Mga Kapamilya, nandito pa rin ang ating pamilya dahil sa hindi nagbabagong pagmamahal natin para sa isa’t isa.

“Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit niyo ring pinapatunayan na ang magkapamilya, hindi nag-iiwanan. Mahal na mahal po namin kayo,” aniya pa.

Samantala, speaking of Sarah G, may bonggang treat ang Popstar Royalty kasama si Sue Ramirez at tatlong Thai idols ngayong Hulyo para sa madlang pipol, lalo na sa lahat ng sumasakay sa LRT-1.

Aarangkada na ang “Kilig-Saya Express” kung saan bibigyan ng “fun-filled and selfie-friendly train ride experience” ang mga pasahero ng LRT mula Baclaran hanggang Balintawak stations na magsisimula na sa July 19.

“A creative and unique dress-up of the Light Rail Transit (LRT-1) train, the Kilig-Saya Express features TNT ambassadors Sue Ramirez, Popstar Royalty Sarah Geronimo and swoon-worthy Thai idols Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series) and Asian superstar Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love, Pee Mak) that will surely give commuters a dose of happiness and good vibes.

“As part of the launch of the Kilig-Saya Express, we will treat the first 500 commuters per station (Baclaran, EDSA, Libertad, Gil Puyat, Vito Cruz, Quirino, Pedro Gil, UN Avenue, Central, Carriedo, Doroteo Jose, Bambang, Tayuman, Blumentritt, Abad Santos, R. Papa, 5th Avenue, and Balintawak) to a free one-way train pass, end-to-end route starting at 8AM. To avail of the complimentary ride, just look for the TNT booth located at each of the 18 stations listed.

“TNT aims to give people the simple joys in life through a burst of positivity and happiness with our unique and relevant products and services. The Kilig-Saya Express free train pass for the first 500 passengers per station on July 19 is just one of the many ways we are giving back to our loyal TNT customers by creating meaningful and memorable experiences,” pahayag ni Miriam Choa, FVP and Head of Prepaid Marketing.

Samantala, looking forward na ang mga Pinoy fans nina Mario Maurer, Nonkul Chanon at Gulf Kanawut na makita sila up close and personal.

Sana raw ay matapos na ang pandemya para sa posibleng pagbisita ng tatlong Thai heartthrobs sa Pilipinas at sa posibilidad na makagawa sila ng projects sa bansa.

Read more...