NANGAKO ng 100% support ang fans at social media followers ng young actress na si Kisses Delavin sa pagrampa niya sa Miss Universe Philippines 2021 pageant.
Matapos lumabas ang announcement ng Miss Universe Philippines organizers at ang listahan ng napili nilang Top 100 candidates para sa taong ito ay nagparamdam uli sa socmed si Kisses.
Halos dalawang buwan din kasing nanahimik ang dalaga sa social media at kahapon lang siya uli nag-post sa Instagram para kumpirmahin ang pagsali niya sa nabanggit na national pageant.
Isang maikling video ang ang ibinahagi ni Kisses sa IG na may caption na, “Hello Universe! Life updates: 1) I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines!”
“2) God gave me puppies! Coffee, Sugar, and Cookie. Salamat po Kissables and pageant fans and Filipinos sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta!
“Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines!” ang mensahe pa ng dalaga.
Promise naman ng kanyang mga tagasuporta, mula simula ng kanyang laban sa nasabing pageant hanggang sa huli ay hinding-hindi siya iiwan.
Sa mga nakaraang panayam kay Kisses talagang lagi niyang sinasabi na pangarap din niyang maging beauty queen. Sa katunayan, may mga naiuwi na rin siya noong titulo at korona.
Nanalo siyang Miss Teen Masbate noong 2013 at wagi rin siya bilang Miss Kaogma noong 2016.
“Ever since I was a little kid, nag-start ako mag-join ng beauty pageant. When I was three years old nag-bikini na ‘ko. So, it has always been my passion,” pahayag ng dalaga sa isang panayam.
“Parang sobrang malapit yung heart ko in pageantry kasi there’s so much self-expression in pageantry. It’s not about the heels or whatsoever, it takes so much discipline.
“And the girls also, you get to be inspired and learn so much from your fellow candidates in real life,” aniya pa.
Inamin din ni Kisses na may offer din sa kanya na mag-join sa Miss World Philippines 2021 ngunit tinanggihan daw niya ito, “Yes, I was recruited to join Miss World Philippines and I didn’t join.
“And it’s not because I didn’t want to join, kung pwede lang magdyo-join na ‘ko, but there are so many factors right now.
“Marami akong hindi na-take na project because of the pandemic. I have to stay here in Masbate. But in the future, yeah, in the future, why not?” sey pa niya sa nasabing panayam.
READ MORE: Kisses and Maureen officially announced as Miss Universe PH candidates