Lolit Solis sa viral ‘loveteam statement’ ni Liza Soberano: Wala ka pang napapatunayan pero ang yabang mo!

Liza Soberano

Lolit Solis, Liza Soberano

HINDI nagustuhan ng talent manager at kolumnista na si Lolit Solis ang nag-viral na pahayag ng aktres na si Liza Soberano patungkol sa “love team.”

Para kay Manay Solis, tila sinisira lamang ni Liza ang kanyang magandang imahe at karera na nagsimula sa ating bansa.

Sey ng kolumnista, “Talagang ayaw huminto ni Liza Soberano sa self-destruction na ginagawa niya, Salve. Ngayon naman parang know it all na alam niya ang issue tungkol sa loveteam.”

“Sayang ang maganda niyang career na sinimulan sa Pilipinas na parang sinira niya dahil lang sa Hollywood dream niya,” dagdag niya.

Ayon pa kay Manay Solis, mas maganda kung manahimik nalang si Liza at mag-focus sa kanyang pangarap.

Payo niya sa aktres, “Pwede naman ituloy niya pangarap niya na walang sinasabi, walang iwanan ng issue.”

“Basta lang mag try siya at sana biglain na lang ang lahat pag nagkaroon siya ng Hollywood project. Hindi gaya ngayon na naging nega siya dahil sa mga sinasabi niya,” sambit pa niya.

‘Si Liza Soberano mismo ang tumangging bigyan sila ni Enrique Gil ng ibang ka-loveteam’

Nabanggit pa ng talent manager na maraming Pinoy na artista na ang sumubok sa Hollywood at karamihan daw ay hindi ito nakakamit.

“Mahirap talaga pag ganyan para bang alam mo ang lahat, wala ka pang napapatunayan pero ang yabang mo ng magbigay ng komento,” saad niya.

Chika pa niya, “Hindi si Liza lang ang sumubok mag Hollywood dream, marami na at lahat nabigo.”

“Sana para maiba, magtagumpay si Liza Soberano, at maging successful ang tunay niyang pangalan na HOPE, hoping for the best,” lahad niya sa IG post.

Magugunitang nag-trending ang naging podcast interview ni Liza kasama ang South Korean star na si Ashley Choi at American rapper na si Peniel.

Nabanggit diyan ng aktres na para sumikat sa Philippine showbiz ay kailangang may ka-love team.

“It’s been going on in the Philippines for a long time since like in the 80’s (or) 70’s and in the Philippines, the only way to become big star really, if you’re not a singer is to become a love team,” sey ni Liza.

READ MORE:

Liza Soberano named one of Hollywood’s ‘exciting young actors’ by US magazine

Read more...