“Just because uso ang pagiging Marites, hindi ibig sabihin na hindi ka pwedeng ma-barangay o mapakulong dahil it’s a criminal offense na manira ng kapwa.”
Iyan ang mariing paalala ni Sen. Alan Peter Cayetano sa viewers ng “CIA with BA” sa episode nito last Sunday, May 21.
Kasama ang kapatid at kapwa mambabatas na si Pia Cayetano at award-winning TV host na si Boy Abunda, hinimay nila ang reklamo ng isang babae, na nagtatrabaho sa mga KTV bar o mga beerhouse.
Ito’y tungkol sa ina ng dati niyang kinakasama dahil umano sa paninira nito at pagsasalita ng mga malisyosong bagay sa tuwing siya’y dumadaan sa kanilang lugar.
Dahil dito, inisa-isa ni Pia ang mga elemento ng kasong oral defamation o slander.
“Kapag siniraan mo ‘yung ibang tao, kailan ‘yon magiging krimen? Krimen ‘yon kung ‘yung sinabi mo, ‘yung lumabas sa bibig mo ay para kang may sinasabing may ginawang krimen, may kondisyon o status ‘yung tao na hindi maganda,” saad niya.
“Number two — you do it in public. Kung pribado, walang problema,” pagpapatuloy pa ni Pia.
“Third is when it is malicious. Kung ang pagkasabi naman [ay] natural lang, para kang nagre-report na something na totoo at walang malisya, then hindi rin,” sabi ng senadora.
“Fourth is nadi-dishonor nga ‘yung tao. ‘Yung sinasabi mo nakakasira sa kanya,” dagdag pa niya.
“Sa lahat ng Marites… take note!” sabi naman ni Alan.
Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama nina Senador Alan Peter at Pia.
Ang nakatatandang Cayetano ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang Compañero y Compañera noong 1997 hanggang 2001.
Panoorin ng “CIA with BA” tuwing Linggo, 11:30 ng gabi.
READ MORE: Mj Lastimosa defends Bea Gomez vs ‘Marites’ on Twitter