Halo-halo, Pinoy sorbetes kabilang sa ‘World’s Best Frozen Desserts’

Halo-halo, Pinoy sorbetes

Halo-halo, Pinoy sorbetes

DALAWANG iconic na panghimagas ng ating bansa ang napabilang sa top 50 ng “World’s Best Frozen Desserts.”

Ito ay ang ating sikat na halo-halo at sorbetes, ayon sa food and lifestyle website na Taste Atlas.

Para sa taong ito, ika-lima sa listahan ang Pinoy sorbetes, habang ang halo-halo ay nasa Top 43.

Sorbetes

Inilarawan ng Taste Atlas ang sorbetes bilang isang sikat na Filipino ice cream na gawa sa gatas ng kalabaw at may pagpipiliang flavor gaya ng manga, tsokolate, keso, niyog at ube.

“Although it sounds similar to a sorbet, coming from the Spanish sorbete, it is not a sorbet, but a dirty ice cream, as the locals jokingly call it due to the fact that it is sold along polluted streets,” saad ng website.

Baka Bet Mo: Alexa Ilacad naiyak nang makita sa personal ang ‘My Chemical Romance’: One of my biggest dreams just came true!

Halo-halo and ‘anmitsu’

Ang halo-halo naman ay pinuri dahil sa mixed fruits and beans nito na may saging, langka, buko, kamote, ube, leche flan, mais at marami pang iba.

Paliwanag pa ng nasabing website, “the dessert was sold by Japanese vendors before the occupation of the Philippines in the 1940s.”

Dagdag pa, “halo-halo could have been inspired by ‘anmitsu,’ a Japanese summer drink of shaved ice.”

Samantala, ang nanguna sa listahan ng “best desserts” ay ang “bastani sonnati” ng Iran.

Sumunod naman diyan ang “queso helado” mula Peru bilang top 2, nasa ikatlong pwesto naman ang “dondurma” ng Turkey at ang pang-apat ay ang “frozen custard” sa Amerika.

Related Chika: 

‘Turon,’ ‘maruya’ among Taste Atlas’ best deep-fried desserts

Regine, Jaya muling nagkita, super bonding sa Amerika: Kulang ang oras, pero grabe ang chika, di ba?

Sikreto ni Gabby ibinuking ng mga anak; inaming kumakain ng frozen burrito

Read more...