Kim Atienza pumalag sa nagsasabing parte siya ng bagong ‘Eat Bulaga’: Stay away from drugs

Kim Atienza

Kim Atienza. | Bandera

SINUPALPAL ng Kapuso TV host na si Kim Atienza ang netizen na kumukuwestiyon ng “dignity” niya at pagkakaroon niya ng “delicadeza” hinggil sa isyu ng “Eat Bulaga”.

Matunog kasi ang pangalan nito matapos pumutok ang balitang isa siya sa mga mapapasamang bagong hosts ng “Eat Bulaga” matapos ang paglisan nina Tito Sotto,Vic Sotto, Joey de Leon pati na rin ng iba pang mga main hosts ng naturang programa sa TAPE Inc.

Nitong Lunes, June 5, ibinandera ni Kuya Kim ang larawan niya kasama sina Eruption, at Billy Crawford habang kumakain sa isang restaurant.

At marahil dahil sa caption nitong “Eats Chowtime” ay may mga netizens na hindi nakapagpigil at nag-comment sa kanyang IG post.

“So they say you will be part [of] FAKE eat bulaga host. Don’t you have any delikadesa in your body? Is this just for the money? OMG! Have some dignity!” paratang ng netizen laban kay Kuya Kim.

Sinagot naman ito ng Kapuso star at sinabing, “hingang malalim para di ka praning. Stay away from drugs.”

Sa ngayon ay burado naman na ang komento ng netizen pero marami na ang nakakuha ng screenshot nito at ikinalat na sa social media.

Matatandaang una nang idinenay ng manager ni Kuya Kim na si Noel Ferrer ang balita na isa siya sa mga magiging host ng naturang noontime show.

“We’d like to clarify that HE CANNOT DO THE EAT BULAGA REPLACEMENT SHOW as it conflicts with his prior commitment with the daily program TIKTOCLOCK (which is also performing very well in the ratings) produced by GMA Network where Kim is contracted as an exclusive talent,” pagbabahagi nito.

READ MORE:

TVJ is moving to TV5

Read more...