Ricci Rivero: Please respect our decision to keep it to ourselves

Ricci Rivero

TILA kinukumpirma ng basketbolistang si Ricci Rivero ang bulung-bulungan na hiwalay na sila ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Matapos ngang mag-trending sa social media at kumalat ang screenshot ng ngayo’y burado nang Instagram story ng binata ay naglabas na ito ng pahayag ukol sa mga pangyayari.

Sa kanyang Twitter account ay nagsalita na si Ricci at sinabing sana respetuhin ng mga tao ang kanilang desisyon.

READ: Andrea Brillantes, Ricci Rivero hiwalay na nga ba?

“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through.

“Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship,” saad ni Ricci.

Pakiusap pa niya, sana raw ay tigilan na ng iba ang paggawa ng kwento at pagdamay sa ibang tao sa isyu.

“I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations,” lahad ni Ricci.

Humingi rin ng tawad ang binata sa mga fans at supporters nila ni Andrea na labis na naaapektuhan sa isyu.

“I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you – for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain,” sey pa ni Ricci.

Nitong Huwebes nang gabi lang lumakas ang bulung-bulungan na baka nag-break na ang dalawa matapos maispatan ang binata na kasama ang beauty queen-politician na si Coun. Leren Mae Bautista.

Bukod pa rito, hindi rin binati ni Andrea si Ricci noong birthday nito.

Samantala, wala pa rin namang pahayag ang Kapamilya actress hinggil sa isyu at kasalukuyan rin itong nasa Spain.

Read more...