TVJ mas dumaRami ang brands na tagasuporta sa bagong tahanan, mga commercial ni Coco Martin sa TAPE lumipat na rin?

SA paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon  (TVJ) sa bago nitong tahanan ay may mga brands rin na nagpakita ng suporta sa kanila.

Hindi lang ang Puregold ang nagpakita ng loyalty sa tatlo na sumunod rin sa kanila sa TV5 para sa bago nilang programa at idinagdag pa si Tito Sen bilang endorser kina Vic at Joey.

Pati ang mga advertisements ni Coco Martin kasama ang Ritemed ay umalis na rin sa TAPE, Inc at sumunod sa TVJ sa Kapatid network.

Ito ang ibinalita ni Nanay Cristy Fermin kaninang tanghali sa programa nila ni Romel Chika na Cristy Ferminute sa Radyo5 92.3 TRUE FM.

Bungad ni ‘nay Cristy,“Ito po napakainit po ng balitang ito kayo po ang unang makakaalam nito, lahat po ng commercials ni Coco Martin lumipat na sa Tito, Vic and Joey sa TV5 pati ang Ritemed (Pharmaceuticals) umalis na sa TAPE!

“Ay, ang ganda-gandang mag buwena mano ni Aling Puring ng Puregold. Ayan nagsamahal na, di ba?”

At saka niya ipinaliwanag ang dahilan ng pagsunod ng dalawang brands sa bagong tahanan ng legit dabarkads.

Baka Bet Mo: Manny Pangilinan sa pagpasok ng TVJ at sa pamamaalam ng Showtime sa TV5: ‘Purely business decision at hindi kami nagkulang sa pagtulong sa ABS’

“Alam mo itong prosesong ito hindi natin ito maiiwasan. Natural kapag ikaw ay isang negosyante ang gusto mong puntahan ay ‘yung makatutulong sa iyong negosyo.

“Bakit ka pupunta sa isang programang wala naman palang sumusubaybay? Paano mo maibebenta ang produkto mo?”

Sang-ayon naman si Romel Chika sa pananaw na ito ni ‘nay Cristy.

“Korek, saka ‘yung imahe ng programa mismo, di ba ‘nay? ‘Yung imahe ng programa,” saad ng co-host ng CFM.

At para sa nahuli ng pakikinig o panonood sa “Cristy Ferminute” ay muling inulit ni ‘nay Cristy ang balitang iniwan na ang TAPE Inc ng commercials ni Coco at Ritemed.

Samantala, binasa ng batikang manunulat at host ang itinext sa kanya ng CFM’ers na sinabi raw ni Joey de Leon, “sabi nga ni sir Joey legit means loyalty, empathy, gratitude, integrity and class. O di ba naman, si Joey pa?”

May flash din sa screen ng CFM na nagsabi ang JoWaPao na hindi nila ipinagbibili ang kanilang loyalty.

Anyway, abangan kung anu-anong advertisers pa ang susunod sa TVJ sa TV5 soon na ayon sa aming source ay pinatatapos lang ang kanilang mga kontrata sa TAPE, Inc.

Related Chika:
Tito Sotto inaming wala sa plano ang magpaalam sa TAPE, mga ads sa ‘Eat Bulaga’ nag-pull out na rin?

Nang dahil sa TVJ…’It’s Showtime’ ng ABS-CBN goodbye na sa TV5, lilipat sa GTV

Read more...