NARANASAN na pala ni Baron Geisler na mabato ng script sa mukha dahil sumalang siya sa shooting na hindi kabisado ang kanyang mga dialogue.
Tandang-tanda pa ng Kapamilya actor ang nasabing eksena na naging daan din para mas magsipag at pagbutihin pa ang kanyang trabaho bilang isang artista.
Aminado naman ang celebrity daddy na talagang pasaway at tamad siya noon kaya alam niyang deserve niya ang mapagalitan at mapahiya ng kanilang direktor.
Baka bet mo ito: Baron Geisler binato ng script sa mukha ng direktor: Sabi niya ‘memorize mo muna yan,’ then he walked out
“I was a lazy actor back in the day,” ani Baron sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda“. Sabi ng aktor, isa ang direktor na si Andoy Ranay sa mga taong nagturo sa kanya para maging professional.
“Si Direk Andoy, I think this was at 2 a.m., everyone was prepared and it was a long scene. Magte-take na kami and I mumbled my lines and nag-fumble ako.
“Ayun, binato ako ng script sa mukha. Sabi niya ‘memorize mo muna yan,’ then he walked out,” pagbabalik-tanaw ni Baron.
“After that, sabi ko ‘natuto na ako, ayoko na may magbato sa akin ng script sa mukha.’ Sineryoso ko yun,” dagdag pang pahayag ng magaling na kontrabida.
Baka Bet Mo: Kylie 1 linggong inatake ng anxiety matapos basahin ang script ng ‘Unravel’, pakiusap ni Gerald: Always be kind…
Samantala, nagbahagi rin siya ng ilang detalye tungkol sa pelikula niyang “Doll House” na pinuri ng mga manonood pati na ng mga kapwa niya artista.
Kuwento ni Baron, habang nagsu-shooting sila para sa nasabing pelikula, “You know we were shooting it guerrilla style sa Netherlands.