Ellen Adarna ‘pinarurusahan’ din si Elias kapag nagkakamali at nagiging pasaway, pero hindi naman daw namamalo

Ellen Adarna, Elias Cruz at Derek Ramsay

Ellen Adarna, Elias Cruz at Derek Ramsay

COOL nanay din ang dating sexy star na si Ellen Adarna pagdating sa pag-aalaga at pagdidisiplina sa kanyang 5-year old son na si Elias.

Ayon sa wifey ni Derek Ramsay, tinuturuan niya ng kagandahang-asal  ang anak nila ni John Lloyd Cruz sa pamamaraan na alam niya bilang isang ina.

Hindi naman daw mahirap alagaan si Elias dahil mabait at masunurin itong bata pero aminado siya na may mga pagkakataong nagiging pasaway din ang bagets.

Nagbahagi si Ellen ng ilang detalye tungkol sa kanyang parenting style sa pamamagitan ng pa-Q&A session sa Instagram Stories kung saan sinagot niya ang ilang katanungan ng mga netizens.

Sa tanong kung pinapalo ba niya si Elias kapag may nagawa itong mali o sablay, binalingan muna niya ang bata sabay sabing, “Does mama spank you? Yes or no?”

Hindi agad nakasagot ang bagets dahil mukhang kagigising lamang nito kaya inulit ni Ellen ang tanong, “Do I spank you?”

Baka Bet Mo: Andi nagiging sentimental sa mga pagbabagong nangyayari sa buhay ni Ellie

Sagot ni Elias, “Mmm-mmm,” sabay umiling na ang ibig sabihin, hindi siya pinapanalo ng kanyang nanay.

May nagtanong din sa kanya ng, “Paano nalalaman ni Elias kung galit ka na po?”

“With my eyes and with my tone,” tugon ni Ellen sabay tanong uli kay Elias, “But I do not shout, right?”

Patuloy pang paliwang ng aktres, “You just hear my voice, and I don’t say anything. I do not shout, right? You just see it in my face that I’m not happy, right?”

Sey pa ng asawa ni Derek, totoong pinaparusahan din niya si Elias kapag nagiging pasaway na at hindi na nakikinig sa kanya para malaman nito na mali ang ginawa o inasal niya.

“It’s either no iPad for 24 hours or worse is that he will sleep in the other room because we still co-sleep, and he likes to sleep beside me.

“And if he does something really unpleasant, that’s his punishment.

“He will sleep in the other room, but that happened only three times. And he listens and he learns from it so…

“He’s a very easy child, thank god, I don’t really have the need to go to the extremes,” pagbabahagi pa ni Ellen Adarna.

 

Ellen Adarna shares a detail about Temple of Leah: ‘It was built to be a storage for my grandmother’s things’

Zoren: Gusto kong makita ng mga tao na mas nagiging juicy ako, yung nagiging sariwa nang pasariwa

Pia nakiusap na wag nang ireklamo ang pagkapanalo ni Miss Mexico: Nagiging sobrang toxic na…

Read more...