Bea Alonzo inaming hindi takot malaos: It’s about time to give the chance to others

Bea Alonzo

Bea Alonzo. file

DIRETSAHANG sinagot ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na hindi siya natatakot na dumating ang araw na mawala ang kanyang kasikatan.

Sa kanyang naging panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, July 13, natanong siya ng King of Talk kung may takot ba siyang malaos.

“Sa totoo lang, Tito Boy, hindi… to be totally honest with you,” sagot ni Bea.

Pagpapatuloy niya, “Because I believe lahat tayo darating doon. You have to be gracious about it.”

Naniniwala rin si Bea na dapat ring mabigyan ng pagkakataon ang iba pang artista na maranasan ang spotlight.

Aniya, Because you’ve had your time, you were able to do the things you wanted to do. And it’s about time to give the chance to others, and you always have to be gracious about it.

“You have to be able to pass the baton to another with grace.”

Para kay Bea, masaya siya na naa-appreciate siya ng mga tao sa kanyang mga ginagawang trabaho.

“I’m just so happy that my body of work… until now they are being appreciated online, and sometimes even on social media, and these characters will always be immortalized,” pagbabahagi niya.

Natanong rin si Bea kung keri ba ng aktres na mamuhay nang komportable sakaling tumigil na ito sa pagtatrabaho.

Sagot ng aktres, sa tingin naman daw niya ay magagawa niya ito dahil sa tagal na niya sa industriya ay nakapag-ipon naman na daw siya.

“I say it with humility, that I was able to work for more than 22 years now, and I was able to save enough for myself and for my future family,” lahad ni Bea.

Dagdag pa niya, “Kung hindi magiging extravagant ang lifestyle ko… And I am so thankful that I was able to do that.”

Malaki raw ang pasasalamat ni Bea kay Mr. Johnny Manahan ba siyang nagturo sa kanya sa tamang paghawak ng pera pati na rin sa kanyang ina.

Masuwerte rin daw ang aktres na komportable ang kanyang pamilya sa kabila ng mga nangyari gaya ng pandemya.

READ MORE:

Bea Alonzo is the newest calendar girl in town

Read more...