ISANG nakakalokang rebelasyon ang ibinahagi ng singer at songwriter na si KZ Tandingan ukol sa isang pangyayari sa kanyang naging concert noon.
Nagkaroon kasi ng guesting ang singer sa podcast nina Antoinette Jadaone at JP Habac na “Ang Walang Kwentang Podcast” kung saan pinag-usapan nila ang mga naging concert experiences nila.
Dito nga ay naikuwento ni KZ ang is sa mga hindi niya malilimutang experience sa isa sa kanyang mga naging concert.
Aniya, nangyari ito matapos ang pasali niya sa “Singer 2018”, isang reality singing competition sa China.
“Kasagsagan ng China ko na stint noong 2018 tapos after po no’n, nag-concert po ako sa MOA Arena,” panimula ni KZ.
Pagpapatuloy niya, ” Siyempre stressed na stressed na si bakla, nagpe-prepare. Pagbaba po namin doon sa entrance ng mga artists. Di ba papasok ka doon sa parang security tapos may x-ray machine… tapos ilalagay ‘yung pangalan. Kukunin ‘yung pangalan mo… tapos bibigyan ka ng ID.”
Noon daw ay dumaan siya sa proseso kasama ang mga kasamahan niya ngunit noong turn na niya para magbigay ng kanyang pangalan ay wala pala ito sa listahan.
“Pumasok na lahat ng kasama ko tapos ako na, Direk. Concert ko sa MOA Arena, Supreme. Pagdating ko don, wala ‘yung pangalan ko,” kwento ni KZ.
Listahan
Hinanap raw talaga niya ang kanyang pangalan sa mga listahan pero hindi niya ito makita.
“Sinabi ko sa guard, ‘Kuya, wala ‘yung pangalan ko’. [Sagot sa akin], ‘Pasensya talaga ma’am. Hindi kayo papasok,” lahad ni KZ.
Nagtawanan naman ang dalawang direktor habang ikinukwento niya ang naganap sa nakalipas na concert.
“Siyempre pumasok na ‘yung mga kasama namin. Sabi ko, ‘Kuya guard, ako po kasi ‘yung magko-concert,” sey ni KZ ngunit hindi naniwala ang security guard.
Pagpapatuloy niya, “‘Yung picture ko pa doon sa concert poster, naka-wig ako. Iba ‘yung kulay ng buhok ko. Tinitignan ni Kuya ‘yung poster tapos ‘Hindi ka talaga pwedeng pumasok, ma’am’.”
Concert
Ilang beses pa raw sinabi ni KZ na siya ang magko-concert pero ayaw talaga siyang papasukin. Ilang minuto ay bumalik ang kanyang mga road managers.
Nakipag-away pa raw ang guard dahil nga wala naman sa listahan ang pangalan niya.
“Pero na-appreciate naman namin kasi ginagawa niya ‘yung trabaho niya. Tsaka dapat nandoon talaga ‘yung pangalan ko. Bakit kasi wala ‘yung pangalan ko,” sabi ni KZ.
“Imbes na may one song na akong na-rehearse… kulang na lang pakitaan ko na si Kuya guard ng birth certificate, mga direk. Kuya guard, its me,” dagdag pa niya.
RELATED STORIES
Ben&Ben collaborates with KZ Tandingan for band’s upcoming second album
KZ Tandingan, Epy Quizon to do own version of Cebuano song ‘Balay ni Mayang’
LISTEN: KZ Tandingan calls for unity in ‘Gabay,’ Disney’s first song in Filipino