Elizabeth Oropesa umiiyak na nanawagan kay Bongbong Marcos: ‘Hindi mo kami kaaway, kakampi mo kami’

Elizabeth Oropesa

Elizabeth Oropesa

USAP-USAPAN ngayon ang aktres na si Elizabeth Oropesa matapos itong maghayag ng saloobin kay Pangulong Bongbong Marcos.

Isang video ang in-upload ng beteranang aktres na sa Facebook ay makikitang umiiyak ito habang nakikiusap sa pangulo.

“Sir hindi ko sure kung ipo-post ko ito. Masama lang po ang loob ko hindi ko mapigilan kasi mahal namin kayo,” panimula ni Elizabeth.

Aniya, ang hindi raw niya ma-gets ay tila hindi raw sila gusto ng pangulo.

“Hindi ko lang maintindihan bakit, bakit parang ayaw mo sa amin? Bakit parang galit ka sa amin? ‘Yung akin lang po, ‘yung pinag-re-reportan mo ‘yung mga kasama mo na rin naman ngayon. Kami? Kahit kaunting importansya, kahit kaunting pagpapahalaga, wala?” pagpapatuloy pa ni Elizabeth.

Bagamat may kalabuan ang nais iparating ng aktres ay nais lamang niyang ihayag ang kanyang frustration na nararamdaman.

“Nakikita ko naman po yung kung sinu sinong binibigyan ninyo ng importansya at pagpapahalaga na wala naman noon. Pasensya na. Ang sakit sakit lang sa dibdib. Mahal na mahal namin [ang] magulang mo, kayo.

“Parang ang sakit-sakit na kahit ‘yung lider man lang hindi mo maisip… ‘Yung para bang may mai-report kami sa mga taong nilikom namin noon. Para masabi namin ‘yung totoong nagbigay ka ng importansya [at] kaunting pagpapahalaga. ‘Yun lang,” sey ni Elizabeth.

Hiling rin ng aktres na sana ay huwag masamain ang kanyang mga pahayag.

“Sana huwag mong masamain itong mga sinabi ko. Hindi mo ako kaaway, kakampi mo ako. Hindi mo kami kaaway, kakampi mo kami. Salamat po Sir,” pakiusap ni Elizabeth.

Matatandaang noong nakapanayam ni Morly ang aktres last month ay ibinahagi nito na matagal na siyang loyalist ng pamilya Marcos.

Ngunit sa kabila nito ay hindi naman itinago ni Elizabeth na masakit para sa kanya ang hindi mabigyan ng importansya sa kabila ng pagpapakita niya ng suporta.

“Masakit kasi siyempre… Isipin mo umabot ako sa edad na ito tapos kahit litrato niya, hindi n’ya mapirmahan, bigyan ako. Yun lang naman hinihingi ko. Masakit pero nagko-compensate naman si Imee Marcos.

“Well hindi ako nanghihinayang na nakipaglaban ako. Naisip ko lang, hindi panghihinayang e… hinanakit. Hinanakit siguro… dahil hindi nabigyan ng pagpapahalaga kahit kaunti,” lahad ni Elizabeth.

READ MORE:

Toni, Paul hindi nagpakita sa SONA ni Pangulong Bongbong, pang-aasar ng netizens…anyare sa ‘most powerful couple’?

Read more...