Angelica Panganiban muntik mag-breakdown bago makauwi sa kanyang mag-ama: Buti umabot ako bago matuluyan

Angelica Panganiban

Angelica Panganiban with Gregg Homan and Baby Bean. 

HINDI inaakala ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na aabutin ng ilang oras ang kanyang biyahe pauwi sa Zambales.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng first time momma ang kanyang naging experience habang pauwi siya sa kanyang mag-amang si Gregg Homan at Baby Bean.

“REUNITED after driving for 8hrs from Pasig-Subic,” saad ni Angelica.

Pagpapatuloy niya, “Muntik na kumalas yung mental health ko. Buti umabot ako bago matuluyan.”

Nagulat nga ang malapit nitong kaibigan na si Glaiza de Castro sa haba ng naging biyahe ng kaibigan.

“Grabe yung 8 hours!!” komento nito sa kanyang post.

Sagot naman ni Angelica, “@glaizaredux sana nagpadala na lang ako sa pagaya niyong wag muna ko umuwi.”

Marami sa mga netizens ang naka-relate rin sa sinapit ng aktres dahil maski sila ay na-experience ang naging traffic sa North Luzon Expressway o NLEX.

“Same experience [sad emoji] sobrang traffic sa nlex,” saad ng isang netizen sa post ni Angelica.

Comment naman ng isa, “We’re glad to see you made it home okay and safe. Grabe naman yang traffic. Take a good rest and enjoy na kayo coz all together ulit ang Homan family. Blessings.”

“Ang OA ng traffic kakalagpas lang namin,” sey pa ng isa.

Ngunit makikita naman sa post ni Angelica na napawi ang lahat ng inis nito matapos makita at makasama ang kanyang soon-to-be hubby na si Gregg at panganay na si Baby Bean.

 

RELATED CHIKA:

Angelica tinamaan ng COVID-19: ‘Nauubusan na ‘ko ng positive thoughts…please send help’

Cuteness overload! Angelica Panganiban finally shares snaps of baby Amila Sabine

Read more...