Driver ibinuking si Zeinab Harake, ‘kinarma’ raw sa mga maling tao; may pasabog din tungkol kay Bobby Ray Parks

Zeinab Harake

Zeinab Harake with partner Bobby Ray Parks, Bia and Lucas.

SAKSI ang driver ng content creator na si Zeinab Harake sa mga matitinding pagsubok na pinagdaanan niya sa kanyang personal life at career.

Sa Facebook account ng nagngangalang Jahan Keeve Bisperas, mababasa ang mahabang post patungkol sa social media personality at sa bago nitong boyfriend na si Bobby Ray Parks.

Ni-repost ni Zeinab ang FB status ni Jahan at nilagyan ng caption na, “4yrs and forever wag kang sumuko kabomba whahahahaha! (three black hearts emoji).”

Narito ang kabuuang mensahe ni Jahan, “Long post ahead, so don’t scroll if you’re not interested.

“Almost 4 years nakong Driver ni Madam. And since 2020 up to now, isa ako sa Buhay na Saksi, sa lahat lahat lahat ng pinag daanan niya.

“I saw her glow, I saw her smile, I saw her pure heart when it comes to love. Nakita ko din mga naka date niya, basically normal na tao din naman kasi siya. Minamasama lang ng iba yung actions niya kasi nga si Zeinab siya.

“But then, to the deeeeeepest and the lowest part of her life, nakita ko na hindi siya nasaktan. Sinaktan siya intentionally, physically and mentally. Akala niyo ba di siya kinarma?” simulang pagbabahagi ng driver ng vlogger.

Patuloy pa niya, “Well kinarma din siya sa pagpili niya sa mga maling tao, but the best part is grabe yung bawi at blessings na binalik sa kanya.

“I’ll be honest, I appreciate and I respect Brp (Bobby Ray Parks) as her Partner and Father of Bia and Lucas, hands up literal! But we still hope na sana walang change of heart na mangyari.

“Di naman sila Perfect Relationship eh, si Brp kasi he thinks for everyone, and when I say everyone lahat ng nasa bahay love and nirerespeto niya. Na hindi namin naranasan sa mga dating ipis na tumira sa bahay,” dugtong pa ng personal driver ng sexy vlogger.

Baka Bet Mo: Zeinab kay Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos binigyan Niya ako ng partner na hindi papasakitin ang ulo ko’

Ipinagdiinan pa niya na ang pinakamahalaga pa rin ngayon ay, “They Deserve the love kung ano meron ang pamilya nila, and as long as happy sila we should be all happy for them.

“Kung ano man mangyari sa future, labas na tayo don. Because we have our own lives, and they have their own,” pahayag pa ni Jahan.

Sa comments section ay maraming sumang-ayon sa kanya. Narito ang ilan.

“Deserve mo naman talaga maging masaya momshie.”

“I don’t chase I attract.”

“Feeling Kendall Jenner lang yern? HAHAHA!”

“100% Tama. huwag Kang huhusga Kung wala Ka SA loob Ng bahay, at wala Ka SA sitwasyon.”

“Magkaruon ng tulad mo sir ray is a blessing para sa mga single mom na tiniis ang hirap bago dumating sa magisa , hands up sayo. single mom deserve to be treated like this.”

“Very well.said.. Jahan is my idol din sa team zebby (Zeinab).. kasi tumayo din syang father nila bia and lucas.”

“Deserve Naman talaga ni zeb sumaya after all na mga pananakit sakanya Ng mga IPIS ika nga. Cguro kaya nasaktan din Ng sobra si zeb Kasi may darating na mas higit at Hindi sasayngin.

READ MORE:

Bobby Ray Parks ‘to the rescue’ kay Zeinab Harake laban sa cheating issue: Never naging kabit ‘yung taong mahal ko

Bobby Ray Parks napa-MINE sa kaseksihan ni Zeinab Harake, hirit ng sexy vlogger: Dalawang ‘P’ ko sa ‘yo lang!

Read more...