SIGURADONG magpipiyesta na naman ang mga kalalakihang mahilig sa sex-drama sa pinakabagong Vivamax Original movie na “Punit Na Langit.”
Ito’y pinagbibidahan ng 2022 Metro Manila Film Festival Best Supporting Actress nominee na si Tiffany Grey at ng pinakabagong bombshell ng Vivamax na si Apple Dy.
Grabe! As in grabe ang ginawang paghuhubad at sex scenes ng dalawang Vivamax stars sa nasabing pelikula kung saan halos ibuyangyang na nila ang lahat-lahat sa kanilang katawan.
Pero in fairness, hindi lang basta hubaran at churvahan ang mapapanood sa “Punit Na Langit” dahil maraming twists and turns ang kuwento at napalaban din sa aktingan at dramahan sina Tiffany at Apple Dy.
Iikot ang kuwento ng movie sa dalawang babaeng puno ng pangarap ngunit parehong mapupunit ng huwad na pagmamahal.
Inihahandog ng Vivamax ang “Punit na Langit” kung saan si Tiffany ay bibida bilang si Claudia kasama ang “Pantaxa Laiya” star na si Apple bilang si Dyosa
Bata pa lang ay naulila na si Claudia, kaya’t lumaki siya kasama ang pinsang si Dyosa. Naging sandigan nila ang isa’t isa. Nagsasabihan ng mga problema’t pangarap. Nang maging pipi si Dyosa, si Claudia pa rin ang nakakaunawa sa kanya.
Isang pangarap ni Claudia ang makapag-aral sa Maynila, at matutupad na nga ito nang matanggap siya sa isang unibersidad doon. Pero bago ang lahat, pupunta muna ang magpinsan sa perya na itinayo sa kanilang munting bayan. Dito na magbabago ang lahat.
Si Chester Grecia ay gumaganap bilang si Rafael, ang may-ari ng perya. Malayo ang tanda niya kay Claudia kaya madali niya itong natukso.
Hindi alam ni Claudia na binibidyo ni Rafael ang kanilang pagtatalik. Ito ang gagamitin ni Rafael pang-blackmail kay Claudia. Simula noon, napasok na si Claudia sa negosyong prostitusyon ni Rafael.
Samantala, may nakilala rin si Dyosa sa perya – si Diego, ginagampanan ni Aero Carmelo. Empleyado ni Rafael si Diego bilang operator ng ferris wheel.
Ngayong masaya si Dyosa sa relasyon nila ni Diego, nakalimutan na kaya niya ang kanyang pinsan? May aasahan bang tulong si Claudia sa kanya?
At ano kaya ang magiging papel ni Salve (Aila Cruz), ang tinatawag na “Babaeng Ahas”, sa kanilang buhay? Isa ba siyang kalaban o kaibigan? Yan ang dapat n’yong panoorin at abangan.
Ang “Punit na Langit” ay mula sa panulat at direksyon ni Rodante “Roe” Pajemna, Jr. Ito ang ikalawa niyang pelikula kasunod ng “Happy Breakup”.
Ilang music videos na rin ang kanyang idinirek at siya ang tumayong creative producer ng mga nag-aalab na Vivamax series na “High on Sex”, “Pantaxa Laiya”, at “Sssshhh!”.
Nag-aral ng filmmaking si Direk Roe sa Amerika. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts major in Cinema sa San Francisco State University.
READ MORE:
Andrea Brillantes cries foul at ‘sexist’ articles, bashers after admitting crush on Jakob Poturnak