TAGUMPAY ang mga netizens sa ginawa nilang mass report para ipatanggal ang Facebook account ng social media influencer na si Rendon Labador.
Yes, yes, yes mga ka-Marites! Deleted na ang official FB page ni Rendon na may halos 2 million followers at milyun-milyong likes.
Pagkatapos ngang ma-take down ang kanyang TikTok account ay ini-report naman ng mga taong galit na galit sa kanya ang ginagamit niyang FB page sa paninita at pangnenega sa mga controversial celebrities.
Ibinalita ni Rendon ang nangyari sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, kasabay ng paghingi ng paumanhin sa lahat ng sumusuporta sa kanya.
“As of today at 12 noon, September 7, 2023, binura na ako sa Facebook ng Pilipinas. Official statement will be uploaded on my YouTube channel soon,” ang pahayag ni Rendon sa kanyang IG story.
Facebook page
Patuloy pa niya, “Hindi ako makapaniwala at nagulat sa pagkawala ng aking Facebook page.
“Nagpapasalamat ako sa mga taong naniniwala at nagpapadala ng mga mensahe ngayon. Pasensya na at paralisado kaming lahat dahil dito sa pangyayari,” aniya pa.
Sigurado namang aabangan ng kanyang mga tagasuporta ang ilalabas niyang vlog sa YouTube para ilabas ang lahat ng saloobin niya hinggil sa nangyari.
Tagumpay
Maraming netizens naman ang natuwa sa nangyari sa FB ni Rendon.
“Rendon Labador is out! Tagumpay! Heal the world! Make it a better place! Youtube and instagram is next,” pagbubunyi ng isang netizen.
Napag-iinitan ng mga netizens si Rendon dahil sa mga prangka at maanghang nitong mga comments sa mga local celebrities at political leaders ng bansa.
RELATED CHIKA: