James Reid, Nadine Lustre spotted na nagyakapan, bumeso nang magkita sa isang event

James Reid, Nadine Lustre

James Reid, Nadine Lustre

TATLONG taon matapos maghiwalay, tila nanatiling maayos ang relasyon ng dating celebrity couple na sina Nadine Lustre at James Reid.

Spotted ang dalawa sa isang brand event sa Makati City at makikitang tila close na close pa rin sila.

Mapapanood sa kumakalat na video sa social media na nilapitan pa ni James si Nadine upang batiin kung saan ay nagyakapan sila nang saglit at may pa-beso pa.

Ibinandera naman ng lifestyle magazine na Metro na nagpa-picture din ang dalawa kasama ang TV host-actress na si Anne Curtis.

Ang nasabing post ay shinare ng ilang fan accounts, kabilang na riyan ang @REIDersOfficial.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre inspirasyon sa bagong kanta ni James Reid

#JamesReid , #LizaSoberano, Anne Curtis, Nadine Lustre and KylieVersoza arriving at the opening of Gucci’s flagship store in Greenbelt 4.

©️ metromagph (9.06.23)

James Reid | @tellemjaye pic.twitter.com/J2uZwNgcBt

— James’ REIDers (@REIDersOfficial) September 6, 2023

May isa pang video na nakasama rin ng dating mag-dyowa sa event sina Liza Soberano at ang events host na si Tim Yap.

Dahil sa pangyayaring ito ay maraming fans ang tila nagdiwang sa social media at karamihan sa kanila ay sinasabing nandyan pa rin ang “chemistry” ng JaDine, ang tawag dati sa love team nina James at Nadine.

“As a Jadine Fan ako sa ngiti ni Anne nong nakita niya si James at Nadine na magbebeso sa isa’t isa [emojis],” sey ng isang fan sa X account habang shinare ang viral video.

As a Jadine Fan ako sa ngiti ni Anne nong nakita niya si James at Nadine na magbebeso sa isa’t isa. 🥲😭😂#jadineforever eme https://t.co/XTmE8zCOoj pic.twitter.com/ZBI4NojPaX

— Nicoy Bonior | Bonioni (@nicoylit13) September 6, 2023

Post ng isang netizen, “Won’t lie, the chemistry is there. James Reid and Nadine Lustre at Gucci flagship store in Greenbelt 4.”

Wont lie, the chemistry is there. James reid and nadine lustre at gucci flagship store in greenbelt 4

Ccto pic.twitter.com/hZz47AYZIi

— Nadine🤍 (@JudilynCaballe1) September 6, 2023

Lahad ng isa pang fan, “Bat ganun???? :/ my divorce parents [sad face emoji].”

Bat ganun???? :/ my divorce parents :((#jadine #nadinelustre #JamesReid pic.twitter.com/sMx8JPsPCG

— TotallyNot ISUZU (@Tellem_itsnotme) September 6, 2023

Magugunitang four years nang maging mag-dyowa sina Nadine at James bago kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay noong January 2020.

Ilan lamang sa mga pinagtambalan nilang pelikula ay ang “On the Wings of Love,” “Never Not Love You,” “Till I Met You,” “Diary ng Panget,” at marami pang iba.

Sa kasalukuyan, masaya na sa kani-kanilang partner ang dalawa.

Boyfriend ngayon ni Nadine ang French-Filipino entrepreneur na si Christophe Bariou.

Habang si James ay in a relationship naman with singer-actress na si Issa Pressman.

Related Chika:

‘Kissing video’ ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang ‘magdyowa’: Fake news yarn! 

Gerald, Julia nagkasawaan agad?

Nadine Lustre needs help in finding new homes for rescued pups

Read more...