Christophe Bariou walang kaalam-alam na sikat na artista sa Pinas si Nadine; love story nagsimula sa Siargao

Photos of Nadine Lustre at Christophe Bariou

Nadine Lustre at Christophe Bariou

SA unang pagkakataon, nagkuwento ang award-winning singer-actress na si Nadine Lustre tungkol sa boyfriend niyang si Christophe Bariou.

Wala palang kaalam-alam si Christophe, na isang French-Filipino entrepreneur na naka-base sa Siargao, na sikat na celebrity sa entertainment industry si Nadine dito sa Pilipinas.

Kuwento ng ex-girlfriend ni James Reid, nagsimula ang maganda nilang relasyon ni Christophe nang magtungo siya sa Siargao para magbakasyon.

“He’s so ignorant when it comes to that so he doesn’t know anything. He didn’t know who I was,” simulang pagbabahagi ni Nadine sa panayam ng Monster RX93.1.

At mula nga sa Siargao, mas naging close pa ang dalawa nang magtungo sa Manila si Christophe para makapag-bonding sila nang bonggang-bongga. Dito rin nakilala at nakasama ng binata ang pamilya ni Nadine.

“When I got back from Siargao, after that trip, he flew to Manila and that’s when we really like started hanging out,” chika pa ng aktres.

Isa raw sa mga nagustuhan at na-appreciate ni Nadine sa relationship nila ng bago niyang boyfriend ay ang pagkakaroon nila ng common interest sa buhay, kabilang na riyan ang pagmamahal nila sa nature at environment.

“We just never stopped talking and I think that’s one of the things that I love about our dynamics.

“We always have something to talk about. It’s funny how in sync we are. We like the same things. We’re like two peas in a pod.

“We talk about a lot of stupid stuff. He loves memes, I love memes. He likes watching funny videos, I love watching funny videos. I learn a lot from him and with him it’s just always fun hanging out with him,” pahayag pa ng dalaga.

Matatandaang kinumpirma ni Nadine ang tungkol sa relasyon nila ni Christophe sa pamamagitan ng pa-dyowa reveal niya sa Instagram last January.

Nag-post ang aktres ng sweet photo nila ng negosyante sa IG na pinusuan naman at ni-like ng kanyang mga supporters. Nagsimulang matsismis ang tungkol ss kanila noong August, 2021.

Samantala, nilinaw din ni Nadine na wala silang intensiyon ni Christophe na itago sa madlang pipol ang kanilang relasyon, alam daw ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan ang tungkol sa love story nila.

“We’re always hanging out. People are always taking photos. I mean, it’s understandable because they’ve never seen me with someone else.

“So it’s kind of weird that I’m hanging out with this other dude so I get it. There’s really no intention of hiding it in the first place,” paliwanag ni Nadine.

Mukha namang maligayang-maligaya ang aktres sa piling ng bagong dyowa at naka-move on na totally sa break-up nila ni James Reid noong January, 2020.

RELATED STORIES

Nadine Lustre enjoys French winter with rumored BF

Nadine Lustre celebrates new year’s eve with family and Christophe Bariou

Read more...