INULAN ng bashers ang Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu matapos nitong magbigay ng opinyon ukol sa naging sagot ng kampo ni Bongbong Marcos nang hamunin ito sa isang debate ni Vice President Leni Robredo.
Matatandaang noong Biyernes, April 29, hinamon ni VP Leni ang kapwa presidential candidate na si Bongbong Marcos para sa isang debate para naman marinig ng taumbayan ang kanyang mga plano sa bayan at stand sa mga isyung ipinupukol sa kanya ngunit sa kasamaang palad ay tumanggi ito base na rin sa statement na inilabas ng spokesperson nitong si Atty. Vic Rodriguez.
Kaya naman nang mapag-alaman ito ni Kim ay napatanong ito sa Twitter kung bakit palaging ang abogado na lang gayong hindi naman ito ang kumakandidato para maging pangulo ng Pilipinas.
Umani naman ng iba’t ibang komento ang naging tweet ng dalaga. May ilan na nag-agree at ang ilan naman ay binatikos siya sa kanyang pangingialam sa politika.
“Natatawa ako sa mga peepz! Hahaha. Wala atang sagot na maayos, kaya ready na me for #RENEWALOFBASH lels. Bahala kayo magkagulo dyan! ‘Yun ay out of curiosity lamang powz. Kaya nga po nagtanong.. hihihi,” saad ni Kim sa kanyang tweet kahapon, April 30.
Aniya, totoo namang curious lamang siya at wala naman siyang ibang ipinakakahulugan nang magtanong ito kaya naman natatawa na lamang siya dahil imbes na matinong sagot ang makuha niya muli na naman siyang pinersonal ng mga netizens na sumusuporta sa tambalan nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.
Biro pa ni Kim, “PS namimiss ko na mag peace sign.”
Para sa mga hindi aware, peace sign ang ginagamit ng mga tao na sumusuporta sa UniTeam.
May isang netizen naman na ipinagtanggol si Kim laban sa mga bashers at sinabing valid naman ang katanungan ng dalaga.
“Actually, valid din naman question from KIM CHIU. Sometimes, we have to hear from the concerned party himself because we want to know it straight from his mouth. This is timely and a relevant question also! RESPECT!!!” saad ng netizen na ni-retweet rin ng aktres.
Anyways, isa ang aktres sa mga artistang tumindig at nagbigay ng suporta para sa kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.
Sa katunayan, sa kauna-unahang pagkakataon ay sumampa ito sa stage para ipakita ang suporta sa buong tRoPang Angat nang magkaroon itong muli ng grand rally sa Cebu noong April 21 na siya ring hometown ni Kim.
RELATED STORIES
Kim Chiu asks public ‘to vote wisely’