Isko Moreno proud lolo sa anak ni Joaquin Domagoso: Ang pogi ng apo ko!

Isko Moreno at Joaquin Domagoso

Isko Moreno at Joaquin Domagoso

ITINUTURING na “blessing” ni dating Manila City Mayor Isko Moreno ang kanyang pagiging lolo.

Sa wakas, kinumpirma na rin ng dating aktor at public servant na totoong may apo na siya sa panganay na anak na si Joaquin Domagoso.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang inilalabas na official statement si Joaquin tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ni Raffa Castro, kapatid ng Kapuso actress na si Claire Castro.

Pero sa panayam ng Modern Parenting kay Isko, nabanggit nga nito na isa na rin siyang proud lolo matapos isilang ni Raffa last April ang anak nila ni Joaquin.

“Isa sa mga blessings ay lolo na ako. Ang pogi ng apo ko,” pahayag ng dating alkade ng Maynila.

Ang ibinigay daw na pangalan nina Joaquin at Raffa sa kanilang panganay ay Scott Angelo Domagoso. Ayon kay Isko, Scott daw ang palayaw niya noong bata pa siya kaya isinunod ng kanyang anak ang pangalan ng baby nito sa kanya.

Sa tanong kung ano ang nararamdaman niya ngayong lolo na siya, “Siyempre kikiligin ka lalo na kapag kamukha mo. I’m really enjoying it. I’m happy and grateful to God.

“Of course, I’m happy for Joaquin. Having a child, naturally, will create a certain mindset in terms of priorities.

“It’s a God-given life. It’s a blessing. Growing up is a challenge and making a better life for everyone, your family, or even your apo is hard.

“But from another perspective, it’s a blessing. Being a grandfather is an opportunity to be happier in the next decade or or two in this world,” sabi pa ni Isko sa nasabing panayam.

Ayon sa ulat, ipinanganak ni Raffa si Scott sa FEU Medical Center, Quezon City, noong April 28, 2022. Sa mga hindi pa masyadong aware, si Raffa ay anak ng dating aktor na si Diego Castro na ngayon ay isa nang news anchor.

RELATED STORIES

Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Joaquin Domagoso kinampihan ang amang si Isko, matapang ding pinaatras si Leni sa Eleksyon 2022

Isko Moreno sees solution for Cebu’s informal settlers: Cebuminium

IN PHOTOS: Isko Moreno’s Day 2 visit in Cebu

Read more...