Darryl Yap sa lahat ng kumakastigo sa ‘Maid In Malacañang’: Pumila kayo, mahaba ang pila, magkita-kita tayo sa dulo ng linya

Photo of Giselle Sanchez and Darryl Yap

Giselle Sanchez at Darryl Yap

GRABE! Hindi pa man ipinalalabas sa mga sinehan ang “Maid In Malacañang” ay kaliwa’t kanan na ang kontrobersyang kinakaharap nito.

Ngayong araw ang showing ng pelikulang ipinrodyus ng Viva Films at Vincentiments, sa direksyon ni Darryl Yap at pinagbibidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga at Ella Cruz.

Kahapon, kalat na kalat na ang isang eksena sa pelikula kung saan ipinakita ang karakter ni Giselle Sanchez na nakasuot ng dilaw na bestida (pinaniniwalaang si dating Pangulong Cory Aquino) na nakikipaglaro ng mahjong sa tatlong madre.

Nagtataka ang marami kung saan nakuha ng netizens ang mga still photos na mula sa isang eksena sa “Maid In Malacañang” e, hindi pa nga ito ipinalalabas sa mga sinehan.

Kaya ang suspetsa ng karamihan, baka raw may namirata na ng pelikula sa ginanap na premiere night sa SM The Block at dito nanggaling ang mga litrato ng kontrobersyal na eksena ni Giselle sa movie.

Anyway, nang makachikahan namin at ng ilang members ng entertainment press si Direk Darryl sa red carpet premiere ng kanyang pelikula na tumatalakay sa huling tatlong araw ng pamilya Marcos sa Malacañang, sinagot niya ang kanilang mga bashers at kritiko.

“Well I’m expecting na every day we’ll see na sa kabila ng lahat ng intriga at maagang paninira ay malalaman natin ang kasaysayan na hindi binago bagkus binuo.

 

“I got all the research materials before elections, the only thing that we are waiting for is the result of the election. If President Bongbong will win. So that’s an indication with 31 million votes, that’s an overwhelming testament that the Filipino people are ready to hear the side of the Marcoses,” pahayag ng napakatapang na direktor.

Ipinagdiinan din niyang, “Walang pinabago pero may mga pinatanggal. My script was very courageous. OA sa tapang.”

“They wanted to stick to their trade of unity. They don’t want any friction or crash na already. So ‘yun, pinabait lang. Kung ako lang masusunod nilabas ko lahat,” aniya pa.

At ito naman ang mensahe niya sa lahat ng mga haters niya at sa mga nangnenega at tumitira sa “Maid In Malacañang” na showing na ngayong araw sa mga sinehan, “Sa mga nagagalit sa akin, pumila kayo, mahaba ang pila. Magkita-kita tayo sa dulo ng linya.”

RELATED STORIES

‘Katips’ director hopes Famas buzz spells big audience

Gwen defends Cebu’s Carmelite nuns

Carmelite nuns denounce “malicious” depiction of nuns playing mahjong with Cory Aquino

Cebu and the days leading to February 25, 1986

 

Read more...