Miss Q&A 2nd runner-up Lars Pacheco halos P1-M ang ginastos para maging ganap na babae: Sobrang worth it, grabe!

Lars Pacheco

Lars Pacheco

SA mga nais ding sumailalim sa sex reassignment surgery, alam n’yo ba kung magkano ang kailangan n’yong gastusin para maging ganap ang inyong pagiging babae?

Ibinandera ni Miss Q&A 2018 second runner-up Lars Pacheco kung magkano ang inilaan niyang budget matapos ang ginawang procedure sa kanya para magkaroon ng female sex organ.

Ayon kay Lars, matagumpay at walang naging aberya ang sex reassignment surgery na pinagdaanan niya sa Thailand.

Sa pamamagitan ng Facebook Live nitong nagdaang Biyernes, August 19, ikinuwento nga ni Lars ang naging journey niya sa pagpapa-sex change pati na ang kabuuang halaga na kanyang binayaran sa Kamol Cosmetic Hospital sa Thailand.

Ito raw ang kaisa-isang hospital sa buong mundo na gumagawa ng sex reassigment surgery kaya talagang mahal pero sey ni Lars, sulit na sulit naman daw ang ibinayad niya.

May titulong, “Ang mahal magpa-keps (PRICE REVEAL),” in-explain ng Miss Q&A finalist kung bakit ang sex reassignment surgery (SRS) ang kanyang napiling procedure para tuluyan nang maging isang babae.

Nagdesisyon din daw siyang magkuwento tungkol dito dahil marami nang nangungulit sa kanya, lalo na ang mga kasamahan sa LGBTQIA+ community.

“Ang dami kasi nagtatanong kung magkano daw yung nagastos ko for this SRS dito sa Kamol hospital,” aniya.

At tungkol naman sa napili niyang technique sa SRS ay ang penile peritoneal vaginoplasty o PPV, “Kaya ko siya napiling technique is because unang-una sa lahat, ito yung pinaka-major surgery na gagawin ko sa buhay ko so gusto ko siya na maging pinakabongga, pinaka-expensive.

“Gusto ko yung maganda so yun yung treat ko sa sarili ko kasi, di ba, ito yung once in a lifetime lang na gagawin sa buhay natin kaya naman kailangang pag-ipunan talaga,” aniya pa.

Nagustuhan din niya ito dahil super close na raw sa isang tunay na babae. Nagsi-self lubricate daw kasi ang “vagina” ng mga sumailalim sa PPV.

Aniya pa, 15 centimeters or sex inches ang depth ng kanyang ari at hindi raw ito namamaho.

Tungkol naman sa budget, kulang-kulang P1 million ang nagastos niya sa operasyon. Umabot daw sa 622,700 Thai baht ang binayaran niya o P971,000.

Sabi pa ni Lars, “Hindi naman ako nagsisi dahil ngayon pa lang sobrang nakikita ko na na nagsu-subside na yung maga, medyo nakakalakad na din ako and sobrang worth it, grabe, tuwing naiisip ko kung paano ko pinag-ipunan yung SRS ko, grabe, sobrang worth it.”

RELATED STORIES:

Cebuana is first Miss International Queen Philippines

Cebuana trans beauty queen fights for gender sensitivity in the workplace

Ladies’ room off limits to Maki; complaint filed

Read more...