Gitarang pirmado ng Eraserheads para kay Gab, naibenta ng P1.3 million

Gitarang pirmado ng Eraserheads para kay Gab, naibenta ng P1.3 million

NAIBENTA na ang gitarang pirmado ng lahat ng miyembro ng bandang Eraserheads sa halagang P1.3 million na paniguradong malaking tulong para sa gitarista ng Parokya Ni Edgar na si Gab Chee Kee.

Nitong Miyerkules, February 15, ibinahagi ng Parokya ni Edgar sa kanilang Facebook page na nakuha na ng executive producer ng Circus Music Festival na si Bryan Beran.

“Congratulations to the winner of the Eraserheads signed D&D Gab CheeKee Signature Guitar auction, Bryan Beran, Executive Producer of Circus Music Festival!”

“He claimed the guitar earlier this morning and directly paid his winning bid of ₱1,300,000.00 to the hospital’s accounting office. He and his team was also able to visit Gab in the ICU,” saad sa post ng Parokya ni Edgar.

Labis naman ang pasasalamat ng banda sa nakakuha ng gitarang pirmado ng Eraserheads dahil natulungan nila si Gab sa kanyang mga gastusin.

Nitong buwan lang nang ibahagi ni Chito, frontman at vocalist ng Parokya Ni Edgar na ipapa-auction ang isang D&D guitar na pirmado nina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro.

Super happy nga si Chito dahil talagang fan sila ng Eraserheads simula pa noon at talagang matutuwa si Gab kapag nalaman nitong ang kanilang iniidolong banda ay isa sa mga tumulong sa kanya habang nakikipaglaban sa karamdaman.

“Malamang alam naman ninyo na sobrang fans kami ng Eheads… lalo na kami ni Gab (si Gab ang unang nagparinig sa akin ng Eraserheads nung 3rd year high school kami… at nasira na ang ulo ko sa kanila ever since),” lahad ni Chito.

Matatandaang na-diagnose si Gab sa sakit na lymphoma-induced pneumonia at simula pa last month ay nasa ICU na ito.

RELATED STORIES

Chito Miranda appeals for financial help for Parokya ni Edgar bandmate with lymphoma

Eraserheads to kick off world tour in Las Vegas in May

Gusto mo bang sumama? Eraserheads reunite for December gig

 

 

 

Read more...