Paolo, Isko binati ang TVJ sa bagong noontime show sa TV5 na E.A.T.: ‘Hindi po ito kumpetisyon, ito po ay aming inspirasyon’

Paolo, Isko binati ang TVJ sa bagong noonshow sa TV5 na E.A.T.: 'Hindi po ito kumpetisyon, ito po ay aming inspirasyon'

Isko Moreno, Paolo Contis, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

SA halip na magpasaring, magparinig at magpakanega, isang bonggang pagbati ang ipinahatid ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 sa bagong noontime show ng iconic trio na TVJ sa TV5.

Sa pagsisimula ng programa nina Tito, Vic & Joey sa Kapatid Network, kasama ang iba pang dating hosts ng longest-running noontime show sa Pilipinas na “Eat Bulaga”, nagbigay ng mensahe sina Paolo Contis at Isko Moreno para sa mga original Dabarkads.

Sina Yorme at Pao ang dalawa sa mga bagong hosts ngayong ng “Eat Bulaga” at ngayong araw, July 1, ang unang monthsary ng programa matapos mamaalam ang TVJ sa producer nitong TAPE Incorporated.

 

Sabay na umere ang “Eat Bulaga” at ang bagong show ng TVJ sa TV5, ang “E.A.T.” o “Eto Ang Totoo” at sa isang bahagi nga ng “Eat Bulaga”, at nag-congratulate sina Isko at Paolo sa katapat na programa.

“Mga Kapuso, espesyal tong Sabadong to para sa Eat Bulaga! dahil masasabi natin, eto ang bagong era ng noontime television habit ninyo. Alam naman natin, alam ko updated kayo sa mga nangyayari at nag-aabang kayo. Gaya ninyo, excited din po kami.

“Para sa karamihan, isa itong malaking kumpetisyon. Pero para sa programa gaya ng Eat Bulaga! na 44 years na po na nagpapasaya, hindi po ito kumpetisyon, pero ito po ay aming inspirasyon,” mensahe ni Pao.

Sabi naman ni Yorme, “Tito Sen, Vic, and Joey, and their Dabarkads, congratulations sa inyo. Masaya kami may bago na kayong tahanan.

“Masaya kami kasi marami nang pagpipilian ang tao. At least, ang noontime show ngayon, para nang buffet, marami ka nang choices.

“Taus-puso, sampu ng aming mga kasama, staff, production, the mangement TAPE Inc., we warmly welcome and congratulate Tito, Vic, and Joey. Congratulations po sa inyo!” ang pagbati pa ni Yorme.

Patuloy pa niya, “Ngayon naman, kami dito ni Paolo at sampu ng aming mga kasama, sa mga viewers natin, in our own little way, in a different manner, we will try to make your afternoon full of joy and hope.

“Dahil gusto namin, araw-araw sa tanghalian, kasama niyo kami, ang Eat Bulaga Tulong at saya ang handog namin sa inyo,” dugtong ng dating alkalde ng Maynila.

 

Samantala, nagpahatid din ng mensahe si Paolo sa isa pa nilang katapat na  programa, ang “It’s Showtime” na napapanood na rin ngayon sa GTV channel na pag-aari ng GMA 7.

“Iwe-welcome ko na rin ang isa pang nagbibigay-saya. Mas nauna to sa amin pagdating sa mga hosting, pero ngayon kapitbahay na natin sila.

“Sa It’s Showtime, welcome! Dahil ngayon kapitbahay na namin kayo, masaya kami na matatawag na namin kayong Kapuso. Kaya kung ano ka man, parte ka man ng Madlang People, kung Dabarkads ka man, kung Kapuso ka man, maraming-maraming salamat.

“Masaya kami na na dito kayo. Ang importante, tuluy-tuloy lang po ang pagbibigay namin ng saya dahil ang importante naman ay yung mga viewers natin. Welcome to your new home, It’s Showtime,” sey ni Pao.

Hirit uli ni Yorme, “Naku, ang magbebenepisyo rito ay kayong mga viewers.” Na tama naman dahil nadagdagan pa ang mga show na pamimilian ng mga manonood.

RELATED STORIES

‘Eat Bulaga’ contestant na nanalo sa isang segment, nagpasalamat sa TVJ

Isko Moreno joins new ‘Eat Bulaga’ as host

Read more...