Baron Geisler hindi kailanman nagsisi na pinakasalan si Jamie Evangelista: ‘Thanks for bearing with me, I love you!’

Baron Geisler at Jamie Evangelista

Baron Geisler at Jamie Evangelista

SA kabila ng napakaraming pagsubok na kanilang pinagdaraanan, solid na solid pa rin ang relasyon ng mag-asawang Baron Geisler at Jamie Evangelista.

Muling ibinandera ng Kapamilya actor ang kanyang pagmamahal kay Jamie sa pamamagitan ng birthday message niya rito na ibinahagi niya sa social media.

Kamakalawa, July 14, ipinagdiwang ni Jamie ang kanyang kaawaran kaya naman nag-post si Baron sa Instagram ng kanyang birthday message kalakip ang kanilang mga litrato together.

Baka Bet Mo: FACES OF CEBU: Baron Geisler, the ‘adopted son of Cebu’

Baka Bet Mo: Baron Geisler admits Cebu played a crucial role in changing him into a better person

“We have been through heaven and hell together, but God always finds a way for us to make it.

“And I never even once regret being your partner in life, I am grateful for you. Thanks for bearing with me. I love you, and happy birthday, Jamie, my love,” ang inilagay na caption ni Baron.

Ikinasal sina Baron at Jamie noong  2019 at biniyayaan ng isang anak, si Talitha Cumi na tatlong taong gulang na ngayon.

Baka Bet Mo: Baron todo pasalamat sa asawa matapos ang kontrobersya: Nagtatrabaho lang po para sa pamilya

Matatandaang nagkaroon ng relapse ang aktor sa pagiging alcoholic na nakaapekto sa pagsasama nila ni Jamie. Ngunit hindi siya iniwan at binitiwan ng asawa hanggang sa unti-unti na nga niyang maibalik sa normal ang lahat.

“She’s my rock eh. Aside from God, she speaks the truth with love, she gives me tough love when I need to hear it.

“And siya yung barometer, kapag nakikita kong nagsusungit, ‘yun na agad ang iniisip ko, what am I doing wrong? Let me count, let me do my daily reflection and daily inventory.

“Siya ang barometer ko kung nasa tama ako, pag happy siya okay, then I’m cool, I’m cool,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Baron Geisler kuntento na sa iyang kinabuhi, malipayon na sa Cebu kuyog ang iyang pamilya: That’s where God transformed me…

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Baron na kinapitan niya ang pananampalataya sa Panginoong Diyos noong kasagsagan ng problema nila ni Jamie.

“I’m believe that I’m a man of my word, and you know…takot ako sa Diyos eh. So I could say I’m also a man of dignity and I just honor my marriage vows with my wife.

“Nag-usap nga kami the other day na no matter what, hanggang pagtanda si Jamie na. Kasi na-proseso na nga namin.

“And I wake up in the morning to her. I look at her and I know that I’ll be spending the rest of my life with her. I wanna keep my word.

“I could say that Jamie is a blessing. ‘Yung iba they use the term, ‘I’m lucky to have a wife like Jamie,’ and it’s true because she keeps me grounded and balanced. And I don’t think I would find someone else like her,” sabi pa ni Baron sa nasabing interview.

Baron muling ibinandera ang pagmamahal kay misis: Happy birthday…many more years to come, love you sweetheart!

Baron balik sa pagtoma, asawang si Jamie napuno na: Grabe ang pag-relapse niya lately kaya magpapa-rehab daw siya uli

Read more...