Anak ng security guard nagtapos bilang ‘valedictorian’ sa PMMA class of 2023

Larawan ni Allan Jay Jumamoy, anak ng isang security guard, na nagtapaos na valedictorian sa PMMA class 2023.

PHOTO: Screengrab from YouTube/RTVMalacanang

MARAMI ang na-inspire at naantig sa pagsisikap ng isang anak ng security guard upang makapagtapos ng pag-aaral.

Siya si Midshipman 1st class Allan Jay Jumamoy na nagtapos bilang “valedictorian” sa Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) Magigiting na may Dangal at Simbolo ng Kawal ng karagatan (Madasiklan) Class of 2023.

Bilang top student sa kanyang batch, nagkaroon ng speech sa graduation rites si Allan at doon niya inalala ang mga hirap na pinagdaanan niya upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Ayon pa sa kanya, ang pagiging mahirap ang nagtulak sa kanya upang lalong pagbutihin sa eskwelahan.

“It all started when my mom told me that she was only a high school graduate and that my father is a security guard, and that I should do better,” kwento ni Allan sa kanyang talumpati.

Dagdag niya, “Upon hearing those words, my life changed. I became a determined man who set goals and was ready to face anything to achieve the goals I had dreamed of.”

Si Allan ay tubong Tagbilaran City at siya ay isa nang academic achiever mula pa noong nasa primary school pa siya.

Sa katunayan nga ay grumaduate din siyang valedictorian sa San Isidro Elementary School, habang nagkaroon naman siya ng high honors nang makapagtapos siya ng high school sa Tagbilaran City Science High School.

Nakwento rin ni Allan na bukod sa pag-aaral ay nagtrabaho din siya bilang mathematics tutor at kumuha rin ng iba’t-ibang klase ng summer jobs sa loob ng tatlong taon upang lalong matulungan ang kanyang mga magulang pagdating sa mga gastusin nila sa bahay.

“I took and passed scholarship exams from DOST (Department of Science and Technology), shipping companies, and various school admissions, and yet I chose PMMA even if it meant letting go of other opportunities,” sey pa niya.

Proud pa niyang chinika, “Who would have thought that a person like me who comes from a place they call a squatter area or an informal settler will be given the opportunity to see and salute the president of the Philippines before handing over the diploma?”

Si Pangulong Bongbong Marcos kasi ang naging guest of honor sa naganap na commencement exercise ng PMMA.

Mayroong 224 graduates ang Masadiklan Class of 2023.

Walo diyan ay mga kababaihan, habang ang natitirang 216 ay puro mga lalake.

Sila ay nakatakdang sumali sa Philippine Navy, Philippine Coast Guard, at Merchant Marine fleet.

RELATED STORIES

2 anak ng janitor parehong grumaduate ng Cum Laude sa Ateneo

Jessa Mae Aviso: Cum laude and a student-athlete

Student shows how she shared graduation pictorial moment with late parents

Cebuana senior high student honors her father by posting heartwarming photo of her graduation day

KZ Tandingan hinarang ng sekyu sa sariling concert: Kulang na lang pakitaan ko si Kuya guard ng birth certificate

Read more...