Laplapan nina Julie Anne at Rayver sa ‘The Cheating Game’ tinilian ng audience sa premiere night; relate much ang nabiktima ng mga cheater

Julie Ann San Jose

Bandera

SA lahat ng mga cheater at nabiktima rin ng mga manloloko, siguradong relate much din kayo sa pelikulang “The Cheating Game” nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Napanood na namin kamakalawa ang pelikulang isinulat at idinirek ng best-selling author na si Rod Marmol under GMA Pictures at GMA Public Affairs sa ginanap na premiere night sa SM The Block Cinema 3.

At in fairness, pinatunayan nina Rayver at Julie Anne na hindi lang sila best tandem sa pagho-host at pagpe-perform nang live on stage kundi winner din sila pagdating sa aktingan.

Tulad ng nais ibandera ng titulo ng kanilang pelikula, iikot ang kuwento ng “The Cheating Game” sa lokohan, gamitan, pagsisinungaling at taguan ng lihim ng dalawang magdyowa sa gitna ng paghahanap nila ng tunay na pag-ibig.
Sa mga nagtatanong, yes, may mga kissing scenes sa movie sina Rayver at Julie Anne na siguradong ikawiwindang ng kanilang mga fans bukod sa matatension at madadramang eksena.

Magsisimula ang istorya nang makipaghiwalay si Hope (Julie) sa kanyang dyowa (Martin del Rosario) na nanloko sa kanya. Nalaman din niya na mat video scandal ang boyfriend ka-sex ang ibang babae (Winwyn Marquez).

Matapos ma-heartbroken, pinilit mag-move on agad ni Hope sa pamamagitan ng paghahanap ng bagong trabaho hanggang sa makilala si Miguel (Rayver), isang self-made businessman na handang maging rebound niya para makalimutan agad ang kanyang ex.

Ngunit ang hindi niya alam, marami rin palang sikreto si Miguel na ikaka-shock niya sa bandang huli. At kung ano ang twist ng kuwento, siyempre hindi na namin sasabihin sa inyo para mas exciting ang panonood n’yo.

Parehong magaling sina Rayver at Julie Anne sa movie, lalo na sa mga confrontation scenes nila, kaya hindi na kami magtataka kung ma-nominate sila nang bonggang-bongga sa susunod na awards season.

“We started shooting it before the pandemic, we shot some scenes in the province then tinuloy lang namin this year. Ang surreal pa rin kasi napakabilis talaga ng panahon,” chika ni Julie Anne about doing the movie.
“I’m very excited and grateful. May panibagong family, may new set of characters, new set of people to work with, a great production team. Everyone is so nice and accommodating. We had a healthy working environment,” aniya pa.

Aniya pa, “Usually nakikita kami ng mga tao sa The Clash, All-Out Sunday, sa performances, ghosting. This time as actors naman kami rito. Excited din ako to work with Martin, Winwyn, along with the rest of the cast. It’s a breath of fresh air. I’m very excited to show everyone what we did.”

Sey naman ni Rayver, “Halo-halo ‘yung emosyon na nararamdaman ko pero mas lamang ‘yung excitement kasi makikita na ng tao yung pelikulang ginawa namin at talagang pinaganda namin ito nang husto.

“Very proud ako sa movie na ito especially first project namin ito ni Julie together na isang movie. Sa wakas, makikita na namin sa big screen,” aniya pa.

Feeling ni Rayver, napaka-blessed niya ngayong 2023, “I’m very thankful and blessed na mapabilang sa napakagandang project at napakagaling na artistang kasama namin dito. Thank you sa GMA Public Affairs and GMA Pictures, kasi nga first nila iri-release ito at napabilang kami sa cast. It has been a very wonderful JulieVer year for us kasi nga sunod-sunod ‘yung trabaho.”

Sey pa ni Julie Anne about “The Cheating Game”, “If you watch this film, lahat ng kinds, elements ng cheating nandito. Marami akong natutunan sa buong production, sa story. This is far different from what I did with Maria Clara at Ibarra.

“So ibang Julie naman ang makikita ninyo rito. Mas daring, bolder, stronger. I feel like I had to take a leap of faith just like the rest of the cast. For me, cheating is non-negotiable. Once it’s done, it’s done. But my major takeaway from this film is to forgive yourself,” dagdag ng dalaga.
Na-enjoy naman ni Rayver ang pagganap bilang Miguel, “I enjoyed making the movie kasi doing it is a learning experience for me para maging aware ka how to handle being cheated. Lahat naman tayo, nabubulag kapag nagmahal tayo.”

Kasama rin sa cast sina Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Phi Palmos, Thea Tolentino at Paolo Contis na ang galing-galing din sa movie.

Ka-join din sa cast sina Charm Aranton, Chef Jose Sarasola, Charlize Ruth Reyes, Rocelyn Ordoñez, Aaron Maniego, Andrea So, Ida Sabido, Evan Tan, Roi Oriondo, Bernadette Anne Morales, Felds Cabagting, at Iman Manoguid.

Showing na ngayong araw sa mga sinehan ang “The Cheating Game”.

READ MORE:

Julie Anne San Jose is turning up the heat with bikini photos in Boracay

Read more...